Pakisuyong Dumalaw Kaagad
Dumalaw kaagad kanino? Sa mga humihiling ng literatura o regular na nagpapahatid ng magasin o nagnanais madalaw ng Saksi sa kanilang tahanan. Saan nagmumula ang mga kahilingang ito? Mula sa mga indibiduwal na nakikipag-ugnayan sa tanggapang pansangay sa pamamagitan ng liham o telepono o sa pamamagitan ng ating opisyal na Web site sa Internet. Kapag may nagpakita ng gayong interes, ipinagbibigay-alam ito ng tanggapang pansangay sa lokal na kongregasyon sa pamamagitan ng S-70 form na may uluhang “Please Arrange for a Qualified Publisher to Call on This Person.” Kapag natanggap ng matatanda ang S-70 form, dapat nilang ipasa ito kaagad sa isang mamamahayag na masikap na susubaybay sa interesadong tao. Kung nahihirapan ang mamamahayag na matagpuan sa bahay ang taong iyon, maaaring makipag-ugnayan dito ang mamamahayag sa pamamagitan ng telepono o sa pamamagitan ng maingat na pag-iiwan dito ng maikling mensahe. Kung hinihilingan kang gumawa ng gayong pagdalaw, pakisuyong gawin ang lahat ng pagsisikap upang makausap kaagad ang interesadong taong iyon.