Kailangang Asikasuhin Agad
Mula nang baguhin ang disenyo ng ating Web site, biglang dumami ang online request para sa pag-aaral ng Bibliya. Nadaragdagan pa ito dahil sa bago nating ginagawang pampublikong pagpapatotoo. Pinoproseso agad ng tanggapang pansangay ang mga kahilingang ito hangga’t maaari. Halimbawa, kapag may humiling ng pag-aaral sa jw.org, ang mga elder sa kongregasyong nakasasakop sa teritoryo kung saan nakatira ang interesado ay kadalasang nakatatanggap ng notification mula sa tanggapang pansangay pagkalipas lang ng dalawang araw. Pero ipinakikita ng mga report na may mga humiling ng pag-aaral sa Bibliya na nakalipas pa ang ilang linggo bago napuntahan o nakausap. Paano natin matutulungan ang isang tao bago mawala ang interes niya?—Mar. 4:14, 15.
Kung ang interesado ay hindi nakatira sa inyong teritoryo, punan agad ang Please Follow Up (S-43) form at ibigay ito sa inyong kalihim sa kasunod na pulong. Sa loob ng isa o dalawang araw, dapat ibigay ng kalihim ang form sa angkop na kongregasyon o isumite sa tanggapang pansangay gamit ang “Congregation” tab sa jw.org. Dapat na regular na tingnan ng mga elder ang Web site. Kapag nakatanggap sila ng notice na puntahan ang isang interesado, dapat nilang asikasuhin ito agad. Dapat na maging priyoridad ng mamamahayag na maaatasan ang pagpunta sa interesadong iyon. Kung wala sa bahay ang interesado, maaaring mag-iwan ng maikling sulat na may impormasyon kung paano ka makokontak.