Paggamit ng Please Follow Up (S-43) Form
Ang form na ito ay dapat gamitin kapag nakasumpong ka ng taong interesado na hindi nakatira sa inyong teritoryo o nagsasalita ng ibang wika. Noon, ginagamit natin ito kapag may nakausap tayong nagsasalita ng ibang wika, interesado man siya o hindi. Ngayon, gagamitin lamang natin ito kapag ang tao ay interesado. Pero kung bingi ang matagpuan natin, dapat tayong gumamit ng S-43 form, interesado man siya o hindi.
Ano ang dapat nating gawin kapag naisulat na ang lahat ng kinakailangang impormasyon sa form? Dapat natin itong ibigay sa kalihim ng kongregasyon. Kung alam niya ang kongregasyong nakasasakop sa adres ng interesado, maaari niya itong ipadala sa mga elder ng kongregasyong iyon para matulungan ang interesado. Kung hindi niya tiyak ang kongregasyon, ipadadala niya ito sa tanggapang pansangay.
Kung nakatira sa inyong teritoryo ang interesadong nagsasalita ng ibang wika, patuloy siyang dalawin para hindi mawala ang kaniyang interes hanggang sa kontakin siya ng isang mamamahayag na nagsasalita ng wika niya.—Tingnan ang Nobyembre 2009 Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4.