PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Katapatan at ang Ating Iniisip
Naipapakita nating tapat tayo, hindi lang sa ating sinasabi at ginagawa, kundi pati na rin sa iniisip natin. (Aw 19:14) Kaya naman pinapasigla tayo ng Bibliya na isaisip ang anumang bagay na totoo, seryosong pag-isipan, matuwid, malinis, kaibig-ibig, marangal, mabuti, at kapuri-puri. (Fil 4:8) Siyempre, hindi natin laging maiiwasan ang mga maling kaisipan. Pero kung may pagpipigil tayo sa sarili, maaalis natin ito at mapapalitan ng tamang kaisipan. Kapag tapat tayo sa mga iniisip natin, magiging tapat din tayo sa mga gagawin natin.—Mar 7:21-23.
Sa ibaba ng sumusunod na mga teksto, ilagay kung anong pag-iisip ang dapat nating iwasan: