Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp21 Blg. 1 p. 8-9
  • Bakit Hindi Sinasagot ng Diyos ang Ilang Panalangin?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Hindi Sinasagot ng Diyos ang Ilang Panalangin?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
  • Kaparehong Materyal
  • Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Ang Pribilehiyong Panalangin
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Kung Papaano Makakamit ang Tulong sa Panalangin
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Kaninong mga Panalangin ang Sinasagot?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
wp21 Blg. 1 p. 8-9

Bakit Hindi Sinasagot ng Diyos ang Ilang Panalangin?

Handang makinig sa atin ang Ama natin sa langit na si Jehova, at natutuwa siyang pakinggan ang mga panalangin na mula sa puso. Pero may mga dahilan kung bakit hindi niya sinasagot ang ilang panalangin. Ano ang mga iyon, at ano ang dapat nating tandaan kapag nananalangin? Tingnan natin ang mga sinasabi ng Bibliya.

Mga tao sa simbahan na gumagamit ng prayer book para manalangin.

“Kapag nananalangin, huwag kayong maging paulit-ulit sa sinasabi ninyo.”​—Mateo 6:7.

Hindi gusto ni Jehova na kabisaduhin natin at paulit-ulit na sabihin ang mga panalangin o basahin lang ito mula sa isang prayer book. Pero gusto niyang kausapin natin siya mula sa puso. Isipin ito: Ano ang mararamdaman mo kung may kaibigan ka na paulit-ulit ang mga salitang sinasabi sa iyo araw-araw? Ang tunay na kaibigan ay laging makikipag-usap sa iyo mula sa puso. Kapag sinasabi natin sa panalangin ang mga naiisip at nadarama natin, personal tayong nakikipag-usap sa ating Ama sa langit.

Lalaking nakatingala habang tumataya sa sugal.

“Kapag humihingi naman kayo, hindi kayo nakatatanggap dahil humihingi kayo na may maling intensiyon.”​—Santiago 4:3.

Kung ang hinihiling natin sa Diyos ay mga bagay na ipinagbabawal niya o hindi niya gusto, hindi tayo makakaasa na sasagutin niya ang mga panalangin natin. Halimbawa, sasagutin ba ni Jehova ang mga panalangin ng isang sugarol na umaasa sa suwerte kahit malinaw ang babala niya tungkol sa kasakiman, at paniniwala sa suwerte at pamahiin? (Isaias 65:11; Lucas 12:15) Siguradong hindi iyon sasagutin ni Jehova. Para sagutin ng Diyos ang mga panalangin natin, dapat na ang mga hinihiling natin ay ang mga bagay na sinasang-ayunan niya.

Isang pari na ipinapanalangin ang mga sundalo.

“Ang tumatangging makinig sa kautusan—maging ang panalangin niya ay kasuklam-suklam.”​—Kawikaan 28:9.

Noong panahon ng Bibliya, hindi sinagot ng Diyos ang panalangin ng mga taong sumusuway sa mga batas niya. (Isaias 1:15, 16) Hindi nagbago ang Diyos. (Malakias 3:6) Para sagutin ng Diyos ang mga panalangin natin, dapat na gawin natin ang makakaya natin para masunod ang mga utos niya. Pero paano kung may nagawa tayong mali noon? Ibig bang sabihin, hindi na tayo papakinggan ni Jehova? Hindi! Kung magbabago tayo at gagawin ang mga bagay na magpapasaya sa kaniya, papatawarin tayo ng Diyos.​—Gawa 3:19.

“Ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat na maniwala na siya ay umiiral at nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kaniya nang buong puso.”​—Hebreo 11:6.

Isang babaeng nagbabasa ng Bibliya.

Ang panalangin ay hindi lang paraan para mailabas ang nararamdaman natin kapag nai-stress tayo. Pagpapakita ito ng pananampalataya sa Diyos at bahagi ito ng pagsamba natin sa kaniya. Kung hindi tayo ‘patuloy na hihingi nang may pananampalataya,’ ang sabi ng alagad na si Santiago, hindi tayo ‘makaaasa na tatanggap tayo ng anuman mula kay Jehova.’ (Santiago 1:6, 7) Para magkaroon ng pananampalataya sa Diyos, kailangan nating magsikap at maglaan ng panahon sa pag-aaral ng Bibliya para makilala natin siya. Kapag ginawa natin ito, malalaman natin ang kalooban niya at makakatiyak tayo na papakinggan niya ang mga panalangin natin.

HUWAG SUMUKO!

Kahit hindi sinasagot ng Diyos ang ilang panalangin, pinapakinggan naman at sinasagot niya ang milyon-milyong tao na nananalangin mula sa puso. Mababasa sa Bibliya ang mga puwede mong gawin para pakinggan ng Diyos ang mga panalangin mo. Iyan ang tatalakayin natin sa susunod na artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share