Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w24 Agosto p. 7
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2024
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Mga Study Note sa 2 Tesalonica—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Pagpapanatili sa Kapayapaan at Kalinisan ng Kongregasyon
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2024
w24 Agosto p. 7

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Ang pagmamarka ba na binabanggit sa 2 Tesalonica 3:14 ay dapat gawin ng mga elder o ng bawat isa sa kongregasyon?

Isinulat ni apostol Pablo sa mga Kristiyano sa Tesalonica: “Kung may sinuman na hindi sumusunod sa mga sinabi namin sa liham na ito, markahan ninyo siya.” (2 Tes. 3:14) Dati, sinasabi natin na para sa mga elder ang tagubiling ito. Puwedeng magpasiya noon ang mga elder na magbigay ng pahayag bilang babala sa kongregasyon kapag may napansin silang isang kapatid na patuloy na binabale-wala ang mga prinsipyo sa Bibliya kahit ilang beses na siyang napayuhan. Pagkatapos, iiwasan na ng mga mamamahayag na makihalubilo sa taong iyon, maliban lang sa pulong o ministeryo.

Pero kailangan nating baguhin ang pagkaunawa natin dito. Lumilitaw na ang pagmamarkang binabanggit ni Pablo ay desisyon ng bawat isa sa kongregasyon. Kaya hindi na kailangang magbigay ng pahayag bilang babala ang mga elder para dito. Bakit kailangan ang pagbabagong ito? Tingnan natin ang konteksto ng sinabi ni Pablo.

Sinabi ni Pablo na may ilan sa kongregasyon na “lumalakad nang wala sa ayos.” Binabale-wala nila ang payong tinanggap nila galing sa Salita ng Diyos. Sa nakaraang dalaw ni Pablo sa kanila, sinabi niya: “Kung ayaw magtrabaho ng isang tao, huwag siyang pakainin.” Pero may ilan sa kanila na ayaw pa ring magtrabaho para masuportahan ang sarili nila kahit kaya naman nila. Nanghihimasok pa nga sila sa buhay ng iba. Paano dapat pakitunguhan ng mga Kristiyano ang ganiyang mga kapatid?​—2 Tes. 3:​6, 10-12.

“Markahan ninyo siya,” ang sabi ni Pablo. Ang salitang Griego na ginamit dito ay puwedeng tumukoy sa pagiging mapagbantay laban sa isang tao na alam nating posibleng maging masamang impluwensiya sa atin. Sinabi ito ni Pablo, hindi lang sa mga elder, kundi sa buong kongregasyon. (2 Tes. 1:1; 3:6) Kaya kapag napansin ng isang Kristiyano na may kapatid sa kongregasyon na sadyang sumusuway sa mga payo ng Bibliya, puwede siyang magpasiya na ‘tigilan ang pakikisama’ sa taong iyon.

Ibig bang sabihin, dapat na niyang ituring ang taong iyon na parang inalis sa kongregasyon? Hindi, kasi sinabi ni Pablo: “Patuloy [ninyo] siyang paalalahanan bilang kapatid.” Kaya makikihalubilo pa rin siya dito sa mga pulong at ministeryo, pero hindi na siya makikisama dito sa mga salusalo o paglilibang. Bakit? “Para mahiya” ang kapatid na iyon, ang sabi ni Pablo. Dahil sa pagmamarka, baka ikahiya na niya ang maling ginagawa niya at baguhin ito.​—2 Tes. 3:​14, 15.

Paano ngayon susundin ng mga Kristiyano ang tagubiling iyan? Una, bago natin markahan ang isang kapatid, sisiguraduhin muna natin na talagang “wala sa ayos” ang ginagawa niya, gaya ng sinabi ni Pablo. Hindi niya tinutukoy dito ang mga kapatid na iba sa atin ang pananaw, desisyon, o gusto pero hindi naman labag sa Bibliya. Hindi rin niya tinutukoy dito ang mga kapatid na baka nakasakit sa atin. Ang tinutukoy lang dito ni Pablo ay ang mga sadyang sumusuway sa malinaw na payo ng Bibliya.

Sa ngayon, kapag may napansin tayong kapatid na patuloy na sumusuway sa mga payo ng Bibliya,a tayo na mismo ang magdedesisyon na huwag nang makisama sa kaniya sa mga salusalo o paglilibang. Pero makikihalubilo pa rin tayo sa kaniya sa mga pulong at ministeryo. Dahil personal na desisyon ito, hindi natin ito sasabihin sa iba maliban sa mga kapamilyang kasama natin sa bahay. Kapag nagbago na siya, puwede na nating ibalik ang dati nating pakikisama sa kaniya.

a Halimbawa, baka may isang kapatid na kahit napayuhan na, ayaw pa ring magtrabaho kahit kaya naman niya, nakikipagligawan pa rin sa isang di-kapananampalataya, mapamuna pa rin sa mga tagubiling ibinibigay sa kongregasyon o sa mga turo ng Bibliya, o nagkakalat pa rin ng mapanirang tsismis. (1 Cor. 7:39; 2 Cor. 6:14; 2 Tes. 3:​11, 12; 1 Tim. 5:13) Masasabing “wala sa ayos” ang ganiyang mga kapatid.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share