TIP SA PAG-AARAL
Pag-isipan Ulit ang Pangunahing mga Punto
Nahihirapan ka bang maalala ang mga napag-aralan mo? Nangyayari iyan sa ating lahat paminsan-minsan. Ano ang puwede mong gawin? Pag-isipan ulit ang pangunahing mga punto.
Habang nag-aaral, huminto paminsan-minsan para pag-isipan ang mahahalagang punto na natutuhan mo. Makikita sa isinulat ni apostol Pablo na gusto niyang gawin ito ng mga bumabasa sa liham niya. Sinabi niya: “Ito ngayon ang pangunahing punto.” (Heb. 8:1) Nakatulong ang ganitong istilo ni Pablo para masundan ng mga tagapakinig niya ang mga sinasabi niya at maintindihan kung paano konektado ang mga ito sa tema niya.
Sa pagtatapos ng bawat pag-aaral mo, puwede kang maglaan ng panahon, kahit mga 10 minuto, para mapag-isipan ang mahahalagang punto. Kung hindi mo iyon maalala, tingnan ulit ang mga subtitulo o ang unang pangungusap ng mga parapo na pinag-aralan mo. Kung mayroon kang bagong natutuhan, subukang ipaliwanag iyon sa sarili mong salita. Kung pag-iisipan mo ulit ang pangunahing mga punto, makakatulong ito para maalala mo ang mga pinag-aralan mo at magiging malinaw sa iyo kung paano mo ito magagamit sa buhay mo.