TIP SA PAG-AARAL
Matuto sa mga Artwork
Marami kang matututuhan sa mga artwork sa mga publikasyon natin. Paano mo ma-gagamit nang mabuti ang mga visual aid na ito?
Tingnan muna ang artwork bago basahin ang isang artikulo. Baka maging mas interesado kang magbasa dahil sa mga iyon. Hindi ba kapag nakakakita ka ng masarap na pagkain, mas gaganahan kang tikman iyon? Kaya pag-isipan ito bago mo basahin ang artikulo: ‘Ano ang nakikita ko sa larawan?’—Amos 7:7, 8.
Habang binabasa mo ang isang artikulo, pag-isipan kung bakit napili ang artwork na iyon. Basahin ang mga caption at deskripsiyon ng larawan, kung mayroon. Pag-isipan ang koneksiyon ng larawan sa paksa ng artikulo, pati na kung paano mo maisasabuhay ang aral mula doon.
Pagkatapos basahin ang buong artikulo, gamitin ang mga larawan para ma-review ang mga pangunahing punto. Kapag nagawa mo na iyan, subukang i-imagine ang mga artwork nang hindi iyon tinitingnan, at alalahanin ang aral sa mga ito.
Subukang alalahanin ang mga artwork sa magasing ito, pati na ang aral na itinuturo ng mga iyon.