Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb16 p. 126-p. 127 par. 2
  • Isang Tunay na Anak ni Sara

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Tunay na Anak ni Sara
  • 2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Sabihin Mo sa Kanila na Mahal Mo Sila
    Mga Karanasan ng mga Saksi ni Jehova
  • Tinawag Siya ng Diyos na “Prinsesa”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • “Ang Diyos ay Hindi Nagtatangi”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Ina
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb16 p. 126-p. 127 par. 2

INDONESIA

Isang Tunay na Anak ni Sara

Ti Koetin

  • ISINILANG 1928

  • NABAUTISMUHAN 1957

  • Mataktika niyang tinulungan ang salansang niyang mister na tanggapin ang katotohanan.—Ayon sa salaysay ng anak niyang si Mario Koetin.

Si Ti Koetin

MAPAGMAHAL si Nanay, masayahin, at may pagpapahalaga sa Bibliya. Nang makilala niya si Gertrud Ott, isang misyonera sa Manado, North Sulawesi, pumayag siya agad na mag-aral ng Bibliya at tinanggap ang katotohanan. Pero ayaw ng tatay kong si Erwin, isang prominenteng empleado sa bangko at naging chairman ng Jakarta Stock Exchange, sa bagong paniniwala ni Nanay.

Isang araw, pinapili ni Tatay si Nanay.

“Ako o ang relihiyon mo—pumili ka!” ang sigaw niya.

Matagal munang nag-isip si Nanay at mahinahong sumagot, “Kayong dalawa—ikaw at si Jehova.”

Hindi nakapagsalita si Tatay, at dahan-dahang humupa ang galit niya.

Unti-unting naging mas maunawain si Tatay, mahal na mahal kasi niya si Nanay at talagang mahalaga sa kaniya ang mga opinyon nito.

Siyempre, gusto ni Nanay na makasama si Tatay sa tunay na pagsamba. Matapos itong ipanalangin, naalala niyang mahilig mag-aral si Tatay ng wika. Nagdispley siya sa bahay ng Ingles na mga teksto. “Gusto ko kasing sumulong pa ang Ingles ko,” ang sabi niya. Nakita rin ni Nanay na interesado si Tatay sa pagsasalita sa publiko, kaya nagpapatulong siya rito sa pagpapraktis ng mga bahagi niya sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Pumapayag naman si Tatay. Dahil alam ni Nanay na mapagpatuloy si Tatay, tinatanong niya ito kung puwede ba silang magpatulóy ng dumadalaw na tagapangasiwa ng sirkito. Pumapayag si Tatay. At dahil alam din ni Nanay na mahalaga kay Tatay ang pamilya, pasimple niyang binabanggit na baka gusto nitong sumama sa amin sa mga kombensiyong Kristiyano. At sumasama naman si Tatay.

Sa pagiging matiyaga at mataktika ni Nanay, lumambot ang puso ni Tatay. Nang lumipat ang pamilya namin sa England, dumalo si Tatay sa mga pulong at naging kaibigan niya si John Barr, na naging miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova. Nang taon ding iyon, nabautismuhan si Tatay, na talagang ikinatuwa ni Nanay. Mula noon, lalo niyang minahal si Nanay.

Si Nanay ay marangal, magalang, at espirituwal na babae, kaya minahal siya ng lahat ng nakaka- kilala sa kaniya

Sabi ng ilang kaibigan namin, si Nanay ay parang si Lydia, isang Kristiyanong babae noong unang siglo na natatangi ang pagkamapagpatuloy. (Gawa 16:14, 15) Pero para sa akin, madalas na gaya siya ni Sara, na buong-pusong nagpasakop sa asawa niyang si Abraham. (1 Ped. 3:4-6) Si Nanay ay marangal, magalang, at espirituwal na babaeng minahal ng lahat ng nakakakilala sa kaniya. Ang halimbawa niya ang nakatulong kay Tatay na tanggapin ang katotohanan. Para sa akin, siya ay isang tunay na anak ni Sara.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share