Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwyp artikulo 19
  • Bakit Ako Naghihiwa sa Sarili?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Ako Naghihiwa sa Sarili?
  • Tanong ng mga Kabataan
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang paghihiwa sa sarili?
  • Bakit may mga gumagawa nito?
  • Kung ganito ang problema mo, paano mo ito maihihinto?
  • Bakit Ko Sinasaktan ang Aking Sarili?
    Gumising!—2006
  • Naimpluwensiyahan Niya ang Buhay ng Marami
    Gumising!—1995
  • Kung Bakit Ko Iniwan ang Kasikatan
    Gumising!—2010
  • Paano Ko Maihihinto ang Pananakit Ko sa Aking Sarili?
    Gumising!—2006
Iba Pa
Tanong ng mga Kabataan
ijwyp artikulo 19

TANONG NG MGA KABATAAN

Bakit Ako Naghihiwa sa Sarili?

  • Ano ang paghihiwa sa sarili?

  • Bakit may mga gumagawa nito?

  • Kung ganito ang problema mo, paano mo ito maihihinto?

  • Interbyu

  • Mga tanong na dapat pag-isipan

  • Ang listahan ko ng mga teksto

Ano ang paghihiwa sa sarili?

Ang paghihiwa sa sarili ay ang di-mapigilang pamiminsala sa sarili gamit ang isang matalas na bagay. Isang uri lang ito ng pananakit sa sarili. Ang iba pa ay ang pagpaso, pagsugat, o paghampas sa sarili. Ang artikulong ito ay tungkol sa paghihiwa sa sarili, pero kapit din sa lahat ng uri ng pananakit sa sarili ang mga simulaing tinatalakay rito.

Tama o Mali?

  1. Mga babae lang ang naghihiwa sa sarili.

  2. Ang paghihiwa sa sarili ay labag sa utos ng Bibliya sa Levitico 19:28: “Huwag kayong magkukudlit ng mga hiwa sa inyong laman.”

Tamang sagot:

  1. Mali. Bagaman parang mas maraming babae ang gumagawa nito, may mga lalaki ring naghihiwa at nananakit sa sarili sa iba pang paraan.

  2. Mali. Ang Levitico 19:28 ay tumutukoy sa sinaunang ritwal ng mga pagano, at hindi sa di-mapigilang pananakit sa sarili na tinatalakay sa artikulong ito. Pero siyempre pa, ayaw ng ating maibiging Maylalang na saktan natin ang ating sarili.—1 Corinto 6:12; 2 Corinto 7:1; 1 Juan 4:8.

Bakit may mga gumagawa nito?

Alin sa palagay mo ang mas tama?

May mga naghihiwa sa sarili . . .

  1. dahil pinaglalabanan nila ang paghihirap ng kanilang kalooban.

  2. dahil gusto nilang magpakamatay.

Tamang sagot: A. Karamihan sa mga naghihiwa sa sarili ay ayaw mamatay. Gusto lang nilang tapusin ang paghihirap ng kanilang kalooban.

Pansinin ang sinabi ng ilang kabataang naghihiwa sa sarili.

Celia: “Gumiginhawa ang kalooban ko.”

Tamara: “Parang natatakasan ko ang problema. Mas gusto ko pang masaktan ang katawan ko kaysa sa kalooban ko.”

Carrie: “Ayokong-ayokong nalulungkot ako. Kapag naghihiwa ako, doon napupunta ang atensiyon ko kaya nalilimutan ko ang lungkot.”

Jerrine: “Sa tuwing maghihiwa ako sa sarili, halos wala na akong pakialam sa mundo, at parang nalilimutan ko ang aking mga problema. Ito ang gusto kong mangyari.”

Kung ganito ang problema mo, paano mo ito maihihinto?

Mahalaga ang pananalangin sa Diyos na Jehova. Sinasabi ng Bibliya: “[Ihagis] ninyo sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.”—1 Pedro 5:7.

Mungkahi: Magsimula sa maiikling panalangin, halimbawa, “Diyos na Jehova, tulungan n’yo po ako.” Darating ang panahon, masasabi mo na rin ang iyong niloloob sa “Diyos ng buong kaaliwan.”—2 Corinto 1:3, 4.

Ang pananalangin ay hindi pampagaan ng loob. Ito’y aktuwal na pakikipag-usap sa iyong makalangit na Ama, na nangako: “Talagang tutulungan kita. Talagang aalalayan kitang mabuti sa pamamagitan ng aking kanang kamay ng katuwiran.”—Isaias 41:10.

Nakatulong din sa maraming naghihiwa sa sarili ang pakikipag-usap sa isang magulang o sa isang mapagkakatiwalaang adulto. Tingnan natin ang mga komento ng tatlong kabataan na gumawa niyan.

Interbyu

  • Diana, 21

  • Kathy, 15

  • Lorena, 17

Ilang taon ka noong magsimulang maghiwa sa sarili?

Lorena: Nagsimula po ako noong mga 14 ako.

Diana: Eighteen po ako noon, at pasumpung-sumpong ang paghihiwa ko. Isa o dalawang linggo po akong naghihiwa araw-araw, ’tapos, isang buwan akong hihinto.

Kathy: Nagsimula po ako noong 14 ako. Nagagawa ko pa rin iyon paminsan-minsan.

Bakit mo ba sinasaktan ang iyong sarili?

Kathy: Naiinis po kasi ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, walang gustong makipagkaibigan sa akin.

Diana: Kung minsan po, y’ong lungkot ko ay nauuwi sa pagkadismaya, ’tapos nawawalan na ako ng pag-asa. Patindi po ito nang patindi hanggang sa hindi ko na kaya. Para itong napakalaking halimaw sa loob ko, at parang kailangan kong maghiwa para palabasin ito.

Lorena: Kasi po, nadedepres ako o nagagalit o basta lungkot na lungkot. Pakiramdam ko, wala akong silbi, at gusto kong mawala ang di-magagandang emosyong ito. Kung minsan, iniisip kong tama lang na masaktan ako.

Gumagaan ba ang pakiramdam mo kapag sinasaktan mo ang iyong sarili?

Diana: Opo. Gumiginhawa at gumagaan ang pakiramdam ko.

Kathy: Para na rin po akong umiyak. Kapag naghiwa ako, gumaganda na ang pakiramdam ko gaya ng nararamdaman ng mga tao pagkatapos nilang umiyak.

Lorena: Pakiramdam ko, may isang lobo sa loob ko na punô ng negatibong emosyon. Kapag sinasaktan ko ang sarili ko, para ko itong tinutusok. Hindi ito puputok, pero unti-unting lalabas ang mga negatibong emosyon.

Natatakot ka bang sabihin sa iba ang ginagawa mo?

Lorena: Opo. Ayokong isipin nilang weird ako. At ayoko ring malaman ng iba ang personal kong buhay.

Diana: Palaging sinasabi ng mga tao sa akin na malakas ako at ayokong magbago ang tingin nila sa akin. Kung hihingi ako ng tulong, iisipin nilang mahina pala ako.

Kathy: Ayokong isipin ng mga tao na may diperensiya ako dahil lalo lang akong maiinis sa sarili ko. Isa pa, parang dapat lang sa akin ang ginagawa ko.

Ano ang nakatulong sa iyo na maihinto ang pananakit sa sarili?

Lorena: Sinabi ko po kay Mommy ang ginagawa ko. Kumonsulta rin ako sa doktor, na tumulong para makontrol ko ang mga negatibong emosyon. Paminsan-minsan, nararamdaman ko pa rin iyon, pero nakatulong ang pag-aaral ko ng Bibliya. Naging regular din ako sa ministeryo. Marahil, mararamdaman ko pa rin na wala akong silbi, pero sisikapin kong huwag magpadaig dito.

Kathy: Nahalata po ng isang sister na may problema ako. Matanda siya sa akin nang mga sampung taon. Nang maglaon, nagtapat ako sa kaniya. Nagulat ako nang sabihin niyang naging problema n’ya rin iyon, kaya hindi ako nahiyang makipag-usap sa kaniya. Kumonsulta rin po ako sa doktor at ipinaliwanag niya sa amin ng mga magulang ko ang pinagdaraanan ko.

Diana: Isang gabi, habang nasa bahay ako ng mag-asawang pinagkakatiwalaan ko, nahalata ng asawang lalaki na may problema ako. Hinimok niya akong sabihin iyon sa kanila. Niyakap ako ng misis niya na gaya ng ginagawa ni Mommy noong bata pa ako. Napaiyak ako at napaiyak din siya. Nahirapan akong ipagtapat sa kanila ang ginagawa ko, pero mabuti na lang at nasabi ko rin.

Paano nakatulong sa iyo ang Bibliya?

Diana: Naunawaan ko po mula sa Bibliya na hindi ko iyon malalabanang mag-isa. Kailangan ko ang tulong ng Diyos na Jehova.—Kawikaan 3:5, 6.

Kathy: Malaking tulong po sa akin ang pagbabasa ng Bibliya at ang pagkaalam na ang mensahe nito ay mula sa Diyos.—2 Timoteo 3:16.

Lorena: Kapag may nababasa akong tekstong bagay sa akin, isinusulat ko po iyon sa isang notebook at binabasa ulit ito sa ibang araw.—1 Timoteo 4:15.

Mayroon bang partikular na tekstong kapit sa iyo?

Diana: Sinasabi po ng Kawikaan 18:1: “Ang nagbubukod ng kaniyang sarili ay naghahanap ng kaniyang makasariling hangarin; laban sa lahat ng praktikal na karunungan ay sasalansang siya.” Kung minsan, nahihirapan akong humarap sa mga tao, pero nakita ko sa tekstong ito na mapanganib ang pagbubukod ng sarili.

Kathy: Gustung-gusto ko po ang Mateo 10:29 at 31. Doon, sinabi ni Jesus na napapansin ng Diyos na Jehova kahit ang pagkamatay ng isang maya. Idinagdag pa niya: “Huwag kayong matakot: nagkakahalaga kayo nang higit kaysa sa maraming maya.” Kapag nababasa ko ang mga salitang ito, naaalaala kong mahalaga ako kay Jehova.

Lorena: Gusto ko ang Isaias 41:9, 10, kung saan sinabi ni Jehova sa kaniyang bayan: “Hindi kita itinakwil. Huwag kang matakot, sapagkat ako ay sumasaiyo. . . . Patitibayin kita.” Kapag ang isang bagay ay pinatibay, naiisip kong hindi ito basta-basta mapapasok, gaya ng isang gusaling yari sa bato. Pinalalakas ako nito dahil alam kong mahal ako ni Jehova at lagi siyang nasa tabi ko.

Mga tanong na dapat pag-isipan

  • Kapag handa ka nang magpatulong, sino ang puwede mong lapitan?

  • Ano ang puwede mong ipanalangin sa Diyos na Jehova tungkol dito?

  • May masasabi ka bang dalawang paraan (puwera ang pananakit sa sarili) para mawala ang iyong stress at kabalisahan?

Ang listahan ko ng mga teksto

Mungkahi: Kapag may nabasa kang teksto sa Bibliya na tumitiyak ng pag-ibig ni Jehova o na tutulong sa iyo na magkaroon ng tamang pangmalas sa iyong sarili at sa iyong mga pagkakamali, isulat ang tekstong iyon. Magsulat din ng isa o dalawang pangungusap kung bakit mo ito nagustuhan. Halimbawa, narito ang ilang tekstong nakatulong kina Diana, Kathy, at Lorena.

  • Roma 8:38, 39

    “Ipinakikita sa akin ng tekstong ito na mahal ako ni Jehova, kahit sa palagay ko’y napakasama na ng sitwasyon.”—Diana.

  • Awit 73:23

    “Tinitiyak sa akin ng tekstong ito na hindi ako nag-iisa. Para bang si Jehova ay nasa tabi ko mismo.”—Kathy.

  • 1 Pedro 5:10

    “Maaaring hindi agad dumating ang tulong; baka kailangan tayong magdusa ‘nang kaunting panahon.’ Pero sa bandang huli, mapapalakas tayo ni Jehova para mabata ang kahit ano.”—Lorena.

Iba pang tekstong makatutulong

  • Awit 34:18

  • Awit 54:4

  • Awit 55:22

  • Isaias 57:15

  • Mateo 11:28, 29

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share