Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 6/22 p. 20-21
  • Naimpluwensiyahan Niya ang Buhay ng Marami

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naimpluwensiyahan Niya ang Buhay ng Marami
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Hinimok ang mga Kabataan na Paglingkuran ang Diyos
  • Napatibay-loob Din ang mga May Edad Na
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Bakit Ako Naghihiwa sa Sarili?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Ang Diyos ang Nagpapalago Nito sa Alaska
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Determinado Silang Hindi Susuko
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 6/22 p. 20-21

Naimpluwensiyahan Niya ang Buhay ng Marami

NOONG Nobyembre 19, 1994, si Kathy Roberson ay namatay sa edad na 26. May katapatan siyang dumalo sa Kristiyanong mga pulong hanggang sa linggo ng kaniyang kamatayan. Ang kaniyang pakikipagpunyagi laban sa kanser sapol nang siya’y siyam na taon ay napaulat sa Gumising! ng Agosto 22, 1994, sa ilalim ng pamagat na “Kapag Mahirap ang Buhay.” Pagkatapos na mabasa ang artikulo, marami sa buong mundo ang tumugon sa pamamagitan ng sulat at naglarawan kung paanong ang halimbawa ng tibay ng loob ni Kathy ay totoong nakaapekto sa kanila.

Hinimok ang mga Kabataan na Paglingkuran ang Diyos

Si Loida, mula sa Espanya, ay sumulat: “Ako’y 16 na taóng gulang, at napaiyak ako nang mabasa ko ang karanasan tungkol sa pagbabatá ni Kathy. Dati-rati’y takot akong mamatay, subalit dahil sa artikulong ito, naunawaan ko na, gaya ng sabi niya, ‘ang talagang mahalaga ay, hindi kung tayo’y mabubuhay o mamamatay ngayon, kundi kung matatamo natin ang pagpapala ng Diyos na Jehova, ang Isa na makapagbibigay sa atin ng buhay na walang-hanggan.’”

Si Mari, mula sa Hapón, ay sumulat: “Dahil sa halos kaedad ko si Kathy at parehong araw kami nabautismuhan, ang pagbabasa ng kaniyang karanasan ay waring pagbabasa ng isang sulat na nakapagpapatibay-loob mula sa isang matalik na kaibigan. Ang kaniyang inaasam-asam na magpapakilos sa marami ang kaniyang kasaysayan upang gamitin ang kanilang kalusugan, hindi sa walang-kabuluhang mga gawain, kundi nang may katalinuhan sa paglilingkod kay Jehova ang nakaantig sa aking puso, yamang halos pasisimulan ko pa lamang ang aking pagre-regular pioneer [buong-panahong ministeryo].”

Si Noemi, mula sa Italya, ay gayundin ang sulat, na nagsasabi na ang inaasam ni Kathy sa mga kabataan na gamitin ang kanilang kalusugan, hindi sa walang-kabuluhang mga gawain, kundi nang may katalinuhan sa paglilingkod kay Jehova “ay makapagpapatibay-loob sa libu-libong kabataan, kasama na ako.” Sinabi pa ni Noemi: “Gustung-gusto ko siyang makita sa bagong sanlibutan kapag ang lahat ng ito ay lumipas na. Pagkatapos na pagkatapos ko ng haiskul, sisimulan ko agad na magpayunir.”

“Ako’y 18 taóng gulang,” sulat ni Rachelle mula sa Florida, E.U.A., “at matagal ko nang pinag-iisipan ang gawaing pagpapayunir. Habang binabasa ko ang artikulong ‘Kapag Mahirap ang Buhay,’ napakalaking pampatibay-loob na makita ang isang katulad kong kabataan na nagbabatá ng gayong hirap. Napakilos ako ni Kathy na gamitin ko ang aking kalusugan, gaya ng sabi niya, ‘hindi sa walang-kabuluhang mga gawain, kundi nang may katalinuhan sa paglilingkod kay Jehova.’”

Ang ilang misyonero mula sa isla ng Chuuk, sa Micronesia, ay sumulat: “Mahihirap sa materyal ang aming mga payunir dito. Gayunman, ang karanasan ni Sister Roberson ay tumulong sa kanila na pahalagahan kung ano ang mayroon sila. Natanto nila na bagaman sila’y kapos sa materyal sila’y pinagpala naman ng malalakas na pangangatawan na nagpapangyari sa kanila na maglingkod nang buong-panahon kay Jehova. Mabuting paalaala ito para sa kanila na maging mapagpasalamat sa kung ano ang mayroon sila at gamitin ang kanilang lakas sa paglilingkod kay Jehova.”

Isang grupo ng 16 na estudyante na dumadalo sa paaralan sa pagpapayunir sa Pransiya ang napakilos na magpadala kay Kathy ng larawan ng mga bulaklak na lily na may pampatibay-loob: “Hindi namin malilimutan ang iyong payo na gamitin ang aming panahon para sa ating dakilang Maylikha.”

Isa pang kabataan mula sa Pransiya ang sumulat: “Dahil sa pagiging kabataan at pangunahing tudlaan ni Satanas, kung minsan nadarama namin na napakahirap na manatiling tapat kay Jehova. Subalit, kapag nakababasa kami ng gayong napakaganda at nakaaantig na mga kuwento, nakatatanggap kami ng panunumbalik ng lakas at sigasig, sa pagkaalam na ang ibang kabataan, gaya ni Kathy, ay nag-iingat ng kanilang integridad sa kabila ng pagdurusa. Anong gandang halimbawa!”

“Ako’y halos kaedad mo at may mabuting kalusugan,” sulat ni Nadine mula sa Ohio, E.U.A. “Maraming beses na hinahayaan ko ang maliliit na bagay na makasagabal sa aking paglilingkuran kay Jehova. Ang pagbabasa ng iyong salaysay ang nagpangyari sa akin na suriin kong mabuti ang aking buhay, napag-isip-isip ko kung gaano karaming mahahalagang panahon ang nasayang ko. Naging inspirasyon ka sa akin.”

Isang kabataang babae mula sa Brazil ang nagsabi: “Para siyang nakipag-usap sa akin nang puso sa puso at napasidhi niya ang aking pagnanais na paglingkuran nang lubusan ang ating Diyos.”

Isang kabataan mula sa Canada ang sumulat: “Ako’y 15 taóng gulang. Dalawang taon ang nakararaan, nalaman ko na ako’y may autoimmune hepatitis. Dahil sa karanasan ni Kathy Roberson, nabatid ko na sa kabila ng kalagayan ng kalusugan ko, ako’y makapaglilingkod din kay Jehova nang tapat habang may panahon pa at dapat na may pagtitiis akong maghintay sa ipinangakong bagong sistema ng Diyos upang lubusan akong gumaling.”

Si Jennette mula sa New Jersey, E.U.A., ay sumulat: “Ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya at ang pananampalataya na ipinakita niya ay tumulong sa ating lahat na manindigan na patuloy na magsikap na gumawa nang higit pa sa paglilingkod kay Jehova sa kabila ng anumang mga kahirapan na mayroon tayo. Binabalak kong gamitin ang kaniyang karanasan sa ilang estudyante ko sa Bibliya upang mapakilos sila na magtakda ng mga tunguhin ng paglilingkod bilang payunir pagkatapos nilang magtapos sa paaralan.”

Napatibay-loob Din ang mga May Edad Na

Isang babae mula sa California, E.U.A., ang sumulat: “Talagang kailangang isaisantabi mo ang lahat ng di-gaanong mahalagang bagay sa ating buhay at ituon ang buhay sa pangunahin, mahalagang bagay sa buhay​—ang ating kaugnayan kay Jehova.” Sinabi pa niya: “Bagaman ako ay hindi na isang kabataan, lubusan akong napakilos at naudyukan ng iyong mga karanasan at ng iyong pananaw. Natulungan ako nito na suriin ang aking mga prayoridad.”

Isa pang sulat mula sa California ang nagsabi: “Ang naranasan mo ay kasintindi ng anumang pagsubok na dinanas ng ating mga kapatid na lalaki at babae sa Alemanya o Malawi o iba pang lugar na nabasa ko. Ako ngayon ay 68, kaya marami na akong nakita, narinig, at nabasang mga karanasan. Ang iyong salaysay ay magiging pagpapala kapuwa sa kabataan at may edad na.”

Isang babae mula sa South Carolina, E.U.A., ang nagsabi: “Hindi na ako isang bata. Ako ay halos 70 taóng gulang.” Siya’y sumulat nang may pagpapahalaga: “Ikaw ay isa pang Job. Inaasahan ko na lahat ng kabataan at may edad na ay magbibigay-pansin sa iyong pagbabatá.”

Isa pang sulat ang nagsabi: “Ang pananampalataya at paninindigan ni Kathy ay nakaantig ng aking puso. Ako’y halos 57 taóng gulang, at isa sa aking mga tunguhin ay maglaan ng higit na panahon sa paglilingkod kay Jehova kapag ako’y nagretiro, pero kamakailan ako’y narikunusi na may kanser. Gayon na lamang ang panghihinayang ko na noong ako’y bata pa at malusog pa, hindi ako nakagawa ng higit para kay Jehova! Wala ni isa man sa atin ang makapagsasabi kung kailan aalisin ng isang malubhang sakit ang pribilehiyong iyon.”

Isang Kristiyanong elder ang sumulat: “Iingatan ko ang artikulong ito sa isang pantanging salansan para sa aking pagbabasa kapag may di-inaasahang pangyayari sa buhay ko na maaaring sumubok sa aking pananampalataya. Iingatan ko rin ang artikulong ito sa aking salansan sa gawaing pagpapastol para mapatibay-loob ang mahal na mga kaibigan na inuulan ng mga kahirapan habang ang sistemang ito ay papalapit na sa kawakasan nito.”

Totoo, tayo’y pinalalakas ng pananampalataya at tibay ng loob ng lahat ng mga miyembro sa ating pandaigdig na kapatiran. (1 Pedro 5:9) Lahat tayo ay umaasa sa hinaharap, gaya ni Kathy, sa katuparan ng panahong ipinapangako ng Bibliya kapag “hindi na magkakaroon pa ng kamatayan.” (Apocalipsis 21:3, 4) Anong gandang panahon iyon kapag “walang mamamayan ang magsasabi: ‘Ako’y may sakit.’”​—Isaias 33:24.

[Larawan sa pahina 20]

Kathy Roberson

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share