Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwyp artikulo 49
  • Mahalaga Ba Kung Anong Musika ang Pinipili Ko?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mahalaga Ba Kung Anong Musika ang Pinipili Ko?
  • Tanong ng mga Kabataan
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga pakinabang
  • Mga panganib
  • Paano Ako Magiging Balanse sa Pakikinig ng Musika?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
  • Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .
    Gumising!—1993
  • Magiging Matalino Ka ba sa Pagpili?
    Gumising!—2011
  • Upang Masiyahan sa Musika—Ano ang Pinaka-Susi?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Iba Pa
Tanong ng mga Kabataan
ijwyp artikulo 49
Kabataang babae na nakikinig ng music sa kaniyang gadyet

TANONG NG MGA KABATAAN

Mahalaga Ba Kung Anong Musika ang Pinipili Ko?

“Habang nag-aayos ako, nagpapatugtog ako ng music. Pagsakay ko ng kotse, nagpapatugtog ako ng music. Kapag nasa bahay ako at nagrerelaks, naglilinis, o nagbabasa—nagpapatugtog ako ng music. Lagi akong nakikinig ng music.”—Carla.

Mahilig ka rin ba sa musika gaya ni Carla? Kung oo, matutulungan ka ng artikulong ito na makita ang mga pakinabang at ang mga panganib, at makapili ng tamang musika.

  • Mga pakinabang

  • Mga panganib

  • Ang sinasabi ng ibang kabataan

Mga pakinabang

Ang pakikinig sa musika ay kagaya rin ng pagkain. Parehong makakabuti ito sa iyo depende sa kung ano ang pinipili mo at kung gaano karami. Pag-isipan:

  • Nakapagpapaganda ng mood ang musika.

    “Kapag pangit ang araw ko, nagpapatugtog ako ng paborito kong music at gumaganda agad ang pakiramdam ko.”—Mark.

  • Nagbabalik ng magagandang alaala ang musika.

    “May mga kanta na nagpapaalaala sa akin ng magagandang karanasan, kaya napapangiti ako kapag naririnig ko iyon.”—Sheila.

  • Napagkakaisa ng musika ang mga tao.

    “Dumalo ako sa isang internasyonal na kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova, at nang kantahin ng lahat ng dumalo ang huling awit, napaiyak ako. Iba-iba ang wika namin, pero pinagkaisa kami ng musika.”—Tammy.

  • Nakakatulong ang musika para makapaglinang ng magagandang katangian.

    “Habang nag-aaral kang tumugtog ng isang instrumento, natututo kang maging disiplinado at matiyaga. Hindi ito puwedeng madaliin. Magiging mahusay ka lang kung magpapraktis ka.”—Anna.

Alam mo ba? Ang pinakamalaking aklat ng Bibliya—ang Mga Awit—ay binubuo ng 150 kanta.

Kabataang lalaki na nakatingin sa bulok na mga mansanas

Kung mapamili ka sa pagkain, dapat mapamili ka rin sa musika

Mga panganib

Ang ilang musika, tulad ng kontaminadong pagkain, ay nakakalason. Alamin kung bakit.

  • Maraming kanta ang may malalaswang lyrics.

    “Parang lahat na lang ng sikat na kanta ay tungkol sa sex. Hindi na nga nila ito ikinakahiya.”—Hannah.

    Sabi ng Bibliya: “Ang pakikiapid at bawat uri ng karumihan o kasakiman ay huwag man lamang mabanggit sa gitna ninyo.” (Efeso 5:3) Tanungin ang sarili, ‘Nasusunod ko kaya ang payong iyan kung titingnan ang uri ng mga musikang pinakikinggan ko?’

  • May mga musikang puwedeng magpalungkot sa iyo.

    “Kung minsan, ’pag nakahiga ako sa gabi, may napapakinggan akong music na nakakadepres at nakakalungkot. Kung ano-ano’ng naiisip ko ’pag malungkot ang music.”—Tammy.

    Sabi ng Bibliya: “Higit sa lahat na dapat bantayan, ingatan mo ang iyong puso.” (Kawikaan 4:23) Tanungin ang sarili: ‘Nalulungkot ba ako o nadedepres dahil sa musikang pinakikinggan ko?’

  • May mga musikang puwedeng makapukaw ng galit.

    “Naaapektuhan ako ng mga musikang punô ng galit, pagkamuhi sa sarili, at poot. Napansin kong nagbabago ang mood ko pagkatapos kong makinig sa gayong musika. Napansin din ’yon ng pamilya ko.”—John.

    Sabi ng Bibliya: “Alisin nga ninyo ang lahat ng mga iyon sa inyo, poot, galit, kasamaan, mapang-abusong pananalita, at malaswang pananalita mula sa inyong bibig.” (Colosas 3:8) Tanungin ang sarili, ‘Nagiging agresibo ba ako at walang pakialam sa iba dahil sa musikang pinakikinggan ko?’

Ang dapat gawin? Maging mapamili. Iyan ang ginagawa ng tin-edyer na si Julie. “Lagi kong tinitingnan ang mga music ko at dini-delete ang hindi maganda,” ang sabi niya. “Minsan mahirap, pero alam kong ito ang tama.”

Na-realize din iyan ng kabataang si Tara. Sabi niya: “May napapakinggan akong music sa radyo na maganda ang beat, pero kapag narinig kong hindi maganda ang lyrics, inililipat ko ang istasyon. Parang tinanggihan ko ang isang masarap na cake matapos kong tikman iyon! Pero kung nakaya kong tanggihan ang isang musika tungkol sa sekso, makakaya ko ring iwasang makipag-sex bago ako mag-asawa. Ayokong isiping walang epekto sa akin ang musika.”

ANG SINASABI NG IBANG KABATAAN

Abigail

“Malaki ang epekto ng musika sa mood natin, at kung hindi tayo mag-iingat, posibleng maadik tayo sa musikang pinipili natin nang hindi natin namamalayan.”—Abigail.

Robert

“Puwedeng hindi maalis sa isip mo ang isang musika kahit ilang beses mo lang itong napakinggan. Kaya kung parang hindi maganda ang musika, huwag mo na itong pakinggan, kasi baka hindi na ito mawala sa isip mo.”—Robert.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share