Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 143
  • Kasalanan Ba ang Paninigarilyo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kasalanan Ba ang Paninigarilyo?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • May sinasabi ba ang Bibliya tungkol sa paggamit ng marijuana o iba pang droga?
  • Sigarilyo—Tinatanggihan Mo ba Ito?
    Gumising!—1996
  • Ano ang Masama sa Paninigarilyo?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Ano ang Tingin ng Diyos sa Paggamit Ko ng Tabako?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Ano ang Tingin ng Diyos sa Paninigarilyo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 143
Naninigarilyo

Kasalanan Ba ang Paninigarilyo?

Ang sagot ng Bibliya

Hindi binabanggit sa Bibliya ang paninigarilyoa o ang iba pang paraan ng paggamit ng tabako. Pero may mga simulain dito na nagpapakitang hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang mga kaugaliang marumi at nakakasama sa kalusugan kaya itinuturing niyang kasalanan ang paninigarilyo.

  • Paggalang sa buhay. “Ang Diyos . . . ang nagbibigay sa lahat ng buhay at ng hininga.” (Gawa 17:24, 25) Dahil ang buhay ay regalo ng Diyos, hindi tayo dapat gumawa ng anumang makapagpapaikli ng buhay natin, gaya ng paninigarilyo. Sa buong mundo, ang paninigarilyo ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayang puwede sanang maiwasan.

  • Pag-ibig sa kapuwa. “Iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.” (Mateo 22:39) Hindi ka nagpapakita ng pag-ibig sa kapuwa kapag naninigarilyo ka malapit sa kanila. Mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng mga sakit na dulot ng paninigarilyo ang mga laging na nakakalanghap ng usok mula sa mga naninigarilyo.

  • Dapat maging banal. “Iharap ninyo ang inyong mga katawan na isang haing buháy, banal, kaayaaya sa Diyos.” (Roma 12:1) “Linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karungisan ng laman at espiritu, na pinasasakdal ang kabanalan nang may pagkatakot sa Diyos.” (2 Corinto 7:1) Hindi nakakatulong ang paninigarilyo para maging banal, o malinis, ang isang tao dahil kapag naninigarilyo siya, sinasadya niyang lagyan ng lason ang katawan niya at nagdudulot ito ng malulubhang epekto.

May sinasabi ba ang Bibliya tungkol sa paggamit ng marijuana o iba pang droga?

Hindi binabanggit sa Bibliya ang marijuana o ang iba pang droga na katulad nito. Pero may mga simulain ito na nagpapakitang hindi katanggap-tanggap ang paggamit ng ganoong mga substansiya para lang maglibang. Bukod sa mga nabanggit na, kapit din ang sumusunod na mga simulain:

  • Kailangang kontrolin ang kakayahang mag-isip. “Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos ... nang iyong buong pag-iisip.” (Mateo 22:37, 38) “Panatilihing lubos ang inyong katinuan.” (1 Pedro 1:13) Hindi kayang kontrolin ng isang tao ang isip niya kapag nasa impluwensiya siya ng droga, at marami ang naaadik dito. Nakapokus ang isip nila sa pagkakaroon at paggamit ng droga sa halip na sa pag-iisip ng mabubuting bagay.—Filipos 4:8.

  • Pagsunod sa batas. “Maging masunurin sa mga pamahalaan at sa mga awtoridad.” (Tito 3:1) Sa maraming bansa, may mga batas tungkol sa paggamit ng ilang klase ng droga. Kung gusto nating mapasaya ang Diyos, dapat tayong sumunod sa sekular na awtoridad.—Roma 13:1.

Sigarilyo at ang Kalusugan Mo

Ayon sa World Health Organization, tinatayang mga anim na milyon ang namamatay taon-taon dahil sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo, kasama na ang mahigit 600,000 tao na nakakalanghap lang usok ng sigarilyo. Tingnan ang epekto ng sigarilyo sa kalusugan ng naninigarilyo at ng mga taong nasa paligid niya.

Kanser. May mahigit 50 sangkap na nagdudulot ng kanser ang usok ng sigarilyo. Sinasabi ng Encyclopædia Britannica na ang usok ng sigarilyo ang “pinaniniwalaang dahilan ng 90 porsiyento ng lahat ng kaso ng kanser sa baga.” Ang usok ng sigarilyo ay puwede ring magdulot ng kanser sa iba pang bahagi ng katawan, tulad ng bibig, trachea, esopago, lalamunan, larynx, atay, lapay, at pantog.

Mga sakit sa paghinga. Dahil sa usok ng sigarilyo, tumataas ang posibilidad na magkaroon ang isang tao ng mga sakit tulad ng pulmonya at trangkaso. Ang mga batang laging nakakalanghap ng usok ng sigarilyo ay mas madaling magkaroon ng hika at hindi gumagaling na ubo, at posibleng humina ang baga nila at hindi madebelop nang maayos.

Sakit sa puso. Mas malaki ang posibilidad na ma-stroke ang isang naninigarilyo o magkaroon ng sakit sa puso. May carbon monoxide ang sigarilyo at madali itong lumipat mula sa baga papunta sa dugo, kung saan inaalis nito ang oxygen. Kapag kaunti ang oxygen sa dugo, kailangang lakasan ng puso ang pagbomba para maihatid ang oxygen sa buong katawan.

Epekto sa pagbubuntis. Ang mga naninigarilyo habang nagbubuntis ay may mas malaking posibilidad na manganak nang wala pa sa kabuwanan, at posibleng ang bata ay mababa ang timbang o may depekto tulad ng bingot. Posible ring magkaroon ng problema sa paghinga ang gayong mga bata o biglang mamatay nang wala pang isang taóng gulang.

a Sa artikulong ito, ang paninigarilyo ay ang sinasadyang paghithit ng usok mula sa sigarilyo, tabako, pipa, o hookah. Pero ang mga simulaing tatalakayin ay para din sa pagnguya ng tabako, pagsinghot ng pinulbos na tabako, electronic cigarette na may nikotina, at iba pang katulad nito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share