Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwyp artikulo 82
  • Paano Ko Mababadyet ang Oras Ko?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ko Mababadyet ang Oras Ko?
  • Tanong ng mga Kabataan
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit mo kailangang ibadyet ang oras mo?
  • Ang puwede mong gawin
  • Pagpapabukas-bukas—Ang Magnanakaw ng Panahon
    Gumising!—1995
  • 20 Paraan Para Magkaroon ng Higit na Panahon
    Gumising!—2010
  • Paano Ko Mababadyet ang Panahon Ko?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Paano Ko Mababadyet ang Panahon Ko?
    Gumising!—2009
Iba Pa
Tanong ng mga Kabataan
ijwyp artikulo 82
Isang lalaking tin-edyer ang naiinis sa paggamit niya ng panahon—naglaro siya ng soccer at nanood ng TV bago ginawa ang kaniyang assignment

TANONG NG MGA KABATAAN

Paano Ko Mababadyet ang Oras Ko?

  • Bakit mo kailangang ibadyet ang oras mo?

  • Ang puwede mong gawin

  • Ang sinasabi ng ibang kabataan

Bakit mo kailangang ibadyet ang oras mo?

  • Ang panahon ay parang pera. Kapag sinayang mo ito, hindi mo na ito mababawi. Pero kapag binadyet mo ang oras mo, may panahon kang gawin ang mga bagay na nae-enjoy mo!

    Simulain sa Bibliya: “Ang tamad ay nagnanasa, ngunit ang kaniyang kaluluwa ay wala ni anuman. Gayunman, ang kaluluwa ng mga masikap ay patatabain.”—Kawikaan 13:4.

    Tandaan: Kapag binadyet mo ang oras mo, mas marami kang magagawa.

  • Kung sanay ka nang magbadyet ng oras ngayon pa lang, malaking tulong ito sa iyo kapag adulto ka na. Puwede ka pa ngang tumagal sa trabaho mo dahil diyan. Tutal, kung may negosyo ka, gusto mo ba ng empleadong palaging late?

    Simulain sa Bibliya: “Ang taong tapat sa pinakakaunti ay tapat din sa marami.”—Lucas 16:10.

    Tandaan: Makikita ang katapatan natin sa paraan ng paggamit natin ng panahon.

Totoo, hindi madaling magbadyet ng oras. Tingnan ang ilang bagay na puwedeng maging problema.

Problema #1: Kaibigan

“Kapag niyayaya ako ng mga kaibigan ko, madalas ko silang pagbigyan, kahit napaka-busy ko. Iniisip ko, ‘Kaya ko namang madaliin y’ong ginagawa ko pag-uwi.’ Pero minsan, hindi ko natatapos, kaya nagkakaproblema ako.”—Cynthia.

Problema #2: Pang-abala

“Ang TV ay parang vacuum cleaner. Para kang hinihigop nito kasi hindi mo maiwan-iwan y’ong pinapanood mong palabas o pelikula.”—Ivy.

“Andami kong nasasayang na oras sa pagta-tablet. Nakaka-guilty nga, e, kasi titigil lang ako kapag patay na y’ong battery ko.”—Marie.

Problema #3: Pagpapaliban

“Hindi ko ginagawa agad ang mga assignment ko at y’ong iba pang kailangan kong gawin. Nauubos ang oras ko sa mga walang-kuwentang bagay, kaya kailangan ko tuloy madaliin ang assignment ko. Hindi talaga ako marunong magbadyet ng oras.”—Beth.

Isang lalaking tin-edyer ang masaya sa paggamit niya ng panahon—nagbasa muna siya, saka gumawa ng assignment, at may panahon pa siyang maglaro ng soccer

Kapag binadyet mo ang oras mo, mas marami kang magagawa

Ang puwede mong gawin

  1. Ilista ang mga dapat mong gawin. Kasama diyan ang mga gawain sa bahay at ang mga assignment mo. Isulat mo kung gaano karaming panahon ang kailangan mo para matapos ang mga iyon.

    Simulain sa Bibliya: “[Tiyakin] ninyo ang mga bagay na higit na mahalaga.”—Filipos 1:10.

  2. Ilista ang mga gusto mong gawin sa libre mong panahon. Baka kasama diyan ang social networking at panonood ng TV. ’Tapos, isulat mo rin kung gaano karaming panahon ang nagagamit mo sa mga iyon.

    Simulain sa Bibliya: “Patuloy na lumakad na may karunungan . . . , na binibili ang naaangkop na panahon para sa inyong sarili.”—Colosas 4:5.

  3. Magplano. Tingnan mo ulit ang dalawang listahang ginawa mo. Sapat ba ang panahong inilagay mo para sa mga gagawin mong importante? Kailangan mo bang bawasan ang oras mo sa paglilibang?

    Tip: Gumawa ng listahan ng mga gagawin mo sa buong araw, at lagyan mo ng check ang mga natatapos mo.

    Simulain sa Bibliya: “Ang mga plano ng masikap ay tiyak na magdudulot ng kapakinabangan,” o magtatagumpay.—Kawikaan 21:5.

  4. Gawin ang pinlano mo. Para matapos mo ang dapat mong gawin, baka kailangan mong tumanggi kapag niyaya ka ng mga kaibigan mo. Pero kapag inuna mo ang mahahalagang bagay, makikita mong may panahon ka pa para sa ibang bagay—at mas mae-enjoy mo ito.

    Simulain sa Bibliya: “Huwag magmakupad sa inyong gawain.”—Roma 12:11.

  5. Mag-relax—pero maging balanse. “Minsan, kapag nakatapos ako ng dalawa sa listahan ng mga gagawin ko,” ang sabi ng kabataang si Tara, “maiisip ko, ‘Ayos! Puwede na akong manood ng TV kahit 15 minutes, at saka ko na gagawin y’ong iba pang kailangan kong gawin.’ ’Tapos, y’ong 15 minutes, nagiging 30, at y’ong 30 minutes, nagiging isang oras, hanggang sa magulat na lang ako na nakadalawang oras na pala ako sa panonood!”

    Ang solusyon? Isiping ang paglilibang ay reward mo sa sarili kapag natapos mo na ang mga kailangan mong gawin.

    Simulain sa Bibliya: “Sa tao ay wala nang mas mabuti kundi ang . . . magdulot ng kabutihan sa kaniyang kaluluwa dahil sa kaniyang pagpapagal.”—Eclesiastes 2:24.

Ang sinasabi ng ibang kabataan

Si Cheyenne

“Isinusulat ko ang schedule ko para makita ko ang mga dapat kong tapusin. Nag-iiskedyul din ako ng panahong magpapahinga lang ako para ‘ma-recharge’ ako. Nakakatulong ang pagpaplano para malinaw sa akin kung kailan ako dapat maging istrikto sa schedule ko at kung kailan ako puwedeng mag-adjust.”—Cheyenne.

Si Samuel

“Natuto akong tumanggi sa mga bagay na hindi pasók sa schedule ko. Minsan, mahirap tumanggi, pero wala namang nagagalit sa akin kapag sinabi kong baka hindi ako makapagpokus kasi may iniisip akong kailangan ko pang gawin.”—Samuel.

Si Brooklyn

“Noong sobrang busy ng schedule ko, lagi akong puyat at hindi ako masyadong nakakapag-exercise. Pero minsan, y’ong dagdag na oras sa tulog at pag-e-exercise ang nakakatulong para maging mas masaya ako at mas maraming magawa kinabukasan. Dapat talaga nating alagaan ang kalusugan natin.”—Brooklyn.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share