Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwwd artikulo 13
  • Ang Shock-Absorbent na Balat ng Suha

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Shock-Absorbent na Balat ng Suha
  • May Nagdisenyo Ba Nito?
  • Kaparehong Materyal
  • Balat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ingatan ang Iyong Balat!
    Gumising!—2005
  • Ang Balat ng Ahas
    Gumising!—2014
  • Ang Iyong Balat—Isang “Pader ng Lunsod”
    Gumising!—2004
Iba Pa
May Nagdisenyo Ba Nito?
ijwwd artikulo 13
Isang suha na nasa puno.

MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Shock-Absorbent na Balat ng Suha

Ang suha ay isang matamis at malaking citrus na prutas na nakukuha sa isang puno. Kahit mahulog ito nang mahigit 10 metro, hindi man lang ito nalalamog! Paano ito nangyayari?

Pag-isipan ito: Natuklasan ng mga mananaliksik na ang puting bahagi sa loob ng suha ay binubuo ng mga cell na may espasyo na parang espongha. Mas malaki ang espasyo sa pagitan ng mga cell kapag malayo ito sa balat ng suha. Punô ito ng hangin at likido. Kapag nahulog ang suha sa lupa, ang likido nito ang sasalo sa impact. At ang balat nito ay titigas kaya hindi ito masisira.

Suha na hinati sa gitna. Makikita ang loob ng balat nito. Ipinapakita sa maliit na larawan ang microscopic view ng mga cell nito at espasyo sa pagitan ng mga cell.

Ginaya ng mga siyentipiko ang disenyo ng balat ng suha para makagawa ng shock-resistant foam na gawa sa metal. Naniniwala sila na magagamit nila ang shock-absorbent na disenyong ito para sa mga helmet, sasakyan, at space station o satellite na posibleng tamaan ng meteoroid.

Ano sa palagay mo? Ang shock-absorbent na balat ba ng suha ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share