12 Kaya sinabi ng mga nasa himpilan kay Jonatan at sa tagapagdala niya ng sandata: “Magpunta kayo rito, at tuturuan namin kayo ng leksiyon!”+ Agad na sinabi ni Jonatan sa tagapagdala niya ng sandata: “Sumunod ka sa akin, dahil ibibigay sila ni Jehova sa kamay ng Israel.”+