-
2 Samuel 5:23, 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
23 Sumangguni si David kay Jehova, pero sinabi Niya: “Huwag kang lumusob sa harapan. Sa halip, pumunta ka sa likuran nila, at salakayin mo sila sa harap ng mga halamang* baca. 24 At kapag may narinig kang tunog na gaya ng mga yabag sa ibabaw ng mga halamang baca, kumilos ka agad, dahil nauna nang lumabas si Jehova para pabagsakin ang hukbo ng mga Filisteo.”
-
-
2 Hari 6:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 Maagang bumangon ang tagapaglingkod ng lingkod ng tunay na Diyos. At paglabas niya, nakita niyang nakapalibot sa lunsod ang isang hukbo na may mga kabayo at mga karwaheng pandigma. Sinabi niya agad kay Eliseo: “Naku, panginoon ko! Ano ang gagawin natin?” 16 Pero sinabi nito: “Huwag kang matakot!+ Dahil mas marami ang kasama natin kaysa sa mga kasama nila.”+
-