-
Isaias 5:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 Kaya lumalagablab ang galit ni Jehova sa bayan niya,
At iuunat niya ang kamay niya laban sa kanila at sasaktan sila.+
Mayayanig ang mga bundok,
At ang mga bangkay nila ay magiging gaya ng basura sa lansangan.+
Dahil sa lahat ng ito,* hindi pa nawawala ang galit niya,
At nakaunat pa rin ang kamay niya para saktan sila.
-
-
Isaias 5:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Iyan ang dahilan kung bakit ang galit ni Jehova ay nag-init laban sa kaniyang bayan, at kaniyang iuunat ang kamay niya laban sa kanila at sasaktan sila.+ At ang mga bundok ay maliligalig,+ at ang kanilang mga bangkay ay magiging gaya ng yagit sa gitna ng mga lansangan.+
Sa lahat ng ito ay hindi pa napapawi ang kaniyang galit, kundi nakaunat pa ang kaniyang kamay.
-