18 Dahil ang gayong uri ng mga tao ay hindi alipin ng ating Panginoong Kristo, kundi ng sarili nilang mga pagnanasa, at inililigaw nila ang mga walang muwang* gamit ang kanilang mapanghikayat na pananalita at pambobola.+
18 Sapagkat ang gayong uri ng mga tao ay mga alipin, hindi ng ating Panginoong Kristo, kundi ng sarili nilang mga tiyan;+ at sa pamamagitan ng madulas na pangungusap+ at mapamuring pananalita+ ay dinadaya nila ang mga puso ng mga walang katusuhan.