Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 2:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At pagpasok nila sa bahay, nakita nila ang bata kasama ang ina nitong si Maria. Lumuhod sila at nagbigay-galang* sa bata. Naglabas din sila ng ginto, olibano, at mira bilang regalo sa kaniya.

  • Mateo 2:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At nang pumasok sila sa loob ng bahay ay nakita nila ang bata na kasama ni Maria na kaniyang ina, at, matapos sumubsob, sila ay nangayupapa sa kaniya. Binuksan din nila ang kanilang mga kayamanan at inihandog sa kaniya ang mga kaloob, ginto at olibano at mira.

  • Mateo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:11

      Sagot sa mga Tanong sa Bibliya, artikulo 163

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1367

      Ang Bantayan,

      3/1/2015, p. 13-15

      4/1/2010, p. 13

      Gumising!,

      12/8/1999, p. 14-15

  • Ang Tunay na Liwanag ng Mundo
    Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
    • Pagdalaw ng mga astrologo at planong pagpatay ni Herodes (gnj 1 50:25–55:52)

  • Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:11

      bahay: Dahil binanggit na sa bahay pumunta ang mga astrologo, ipinapakita nitong hindi sila dumalaw sa sabsaban noong bagong-silang pa lang si Jesus.

      bata: Dito, hindi na tinawag si Jesus na “sanggol,” gaya ng tawag sa kaniya sa Luc 2:12, 16.

      nagbigay-galang: O “yumukod.” Karaniwan nang tumutukoy ito sa pagbibigay-galang sa tao, gaya ng hari, at hindi sa pagsamba.—Tingnan ang study note sa Mat 2:2; 18:26.

      regalo: Kapos pa sina Jose at Maria noong dalhin nila si Jesus sa templo 40 araw mula nang isilang ito. (Luc 2:22-24; Lev 12:6-8) Ibig sabihin, ibinigay ang mga regalo pagkatapos pa nito. Masasabing tamang-tama ang pagkakabigay sa mga regalo dahil nagamit nila ito sa paninirahan nila sa Ehipto.

      olibano: Tingnan sa Glosari.

      mira: Tingnan sa Glosari.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share