Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 2:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 “Narinig sa Rama ang pag-iyak at labis na paghagulgol. Iniiyakan ni Raquel+ ang mga anak niya dahil wala na sila, at walang sinumang makapagpagaan ng loob niya.”+

  • Mateo 2:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 “Isang tinig ang narinig sa Rama,+ pagtangis at labis na paghagulhol; iyon ay si Raquel+ na tumatangis para sa kaniyang mga anak, at ayaw niyang tumanggap ng kaaliwan, sapagkat sila ay wala na.”

  • Mateo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:18

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 397

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1008

      Ang Bantayan,

      12/15/2014, p. 21

      8/15/2011, p. 10

  • Ang Tunay na Liwanag ng Mundo
    Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
    • Ipinapatay ni Herodes ang mga batang lalaki sa Betlehem at sa lahat ng distrito nito (gnj 1 57:35–59:32)

  • Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:18

      Rama: Isang lunsod sa teritoryo ng Benjamin, hilaga ng Jerusalem. Lumilitaw na nang wasakin ang Jerusalem noong 607 B.C.E., tinipon muna sa Rama ang mga bihag na Judio bago dalhin sa Babilonya. Sinasabi ng ilang iskolar na ang tinutukoy sa Jer 31:15 na sinipi rito ay ang kaganapang iyon, nang tipunin ang mga Judio (at posibleng pinatay ang ilan sa kanila nang pagkakataong ito).

      Raquel: Kumakatawan sa lahat ng ina sa Israel. Sa hula ni Jeremias, si Raquel, na nakalibing malapit sa Betlehem, ay sinasabing umiiyak dahil dinalang bihag ang mga anak niya patungo sa lupain ng kaaway. Pero inihula rin ni Jeremias na babalik sila mula sa teritoryo ng kaaway. (Jer 31:16) Sa patnubay ng banal na espiritu, ginamit ni Mateo ang hula ni Jeremias para tumukoy sa pagkamatay ng mga bata. Para makabalik mula sa kaaway na kamatayan, kailangan silang buhaying muli.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share