-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
iwan mo . . . ang handog mo, at puntahan mo ang iyong kapatid: Sa eksenang inilalarawan ni Jesus, iaabot na sana ng mananamba sa saserdote ang handog niya. Pero kailangan muna niyang makipagkasundo sa kapatid niya. Para maging katanggap-tanggap sa Diyos ang handog niya, kailangan muna niyang umalis at hanapin ang kaniyang nasaktang kapatid, na malamang na isa sa libo-libong naglakbay papuntang Jerusalem para sa kapistahan, kung kailan karaniwan silang nagdadala ng handog sa templo.—Deu 16:16.
Makipagkasundo ka: Ang ekspresyong Griego ay nangangahulugang “magbago mula sa pagiging magkaaway tungo sa pagiging magkaibigan; maibalik ang dating magandang ugnayan.” Kaya ang tunguhin ng pakikipagkasundo ay para maalis ang sama ng loob ng nasaktan, kung posible. (Ro 12:18) Itinuturo ni Jesus na para magkaroon ng magandang kaugnayan sa Diyos, kailangang panatilihin ang magandang kaugnayan sa kapuwa.
-