-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Alam . . . ninyo na sinabi: Tingnan ang study note sa Mat 5:21.
Jehova: Kahit hindi ito direktang pagsipi mula sa isang partikular na teksto sa Hebreong Kasulatan, ang dalawang utos na binanggit ni Jesus ay nagmula sa Lev 19:12, Bil 30:2, at Deu 23:21, na naglalaman ng pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig na Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), sa orihinal na tekstong Hebreo.—Tingnan ang Ap. C.
-