-
Mateo 6:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Kapag nananalangin, huwag kayong maging paulit-ulit sa sinasabi ninyo gaya ng ginagawa ng mga tao ng ibang mga bansa, dahil inaakala nilang pakikinggan sila sa paggamit ng maraming salita.
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
huwag kayong maging paulit-ulit sa sinasabi ninyo: O “huwag kayong magsalita lang nang magsalita nang paulit-ulit.” Nagbabala si Jesus sa mga tagasunod niya na huwag manalangin nang hindi pinag-iisipan. Hindi niya sinasabing mali na paulit-ulit na hilingin ang isang bagay. (Mat 26:36-45) Pero mali na gayahin ang paulit-ulit na panalangin ng mga tao ng ibang mga bansa (mga Gentil, o di-Judio) na nakasanayan nang “paulit-ulit” na sabihin ang memoryado nilang mga panalangin.
-