-
Mateo 17:20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Sinabi niya sa kanila: “Dahil sa inyong kakaunting pananampalataya. Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo ay may pananampalataya na kasinlaki ng butil ng mustasa, sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka mula rito patungo roon,’ at lilipat ito, at walang magiging imposible para sa inyo.”+
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
maliit ang pananampalataya: Ang pananalitang Griego dito ay may kaugnayan sa terminong isinalin na “maliit na pananampalataya,” “ang liit ng pananampalataya,” at “kakaunting pananampalataya” sa Mat 6:30; 8:26; 14:31; 16:8; Luc 12:28. Sinasabi ni Jesus na mayroon namang pananampalataya ang mga alagad niya pero kailangan pa nila itong palakasin.—Tingnan ang study note sa Mat 6:30; 8:26.
Sinasabi ko sa inyo: Tingnan ang study note sa Mat 5:18.
kasinliit ng binhi ng mustasa: Tingnan ang study note sa Mat 13:31, 32.
-