-
Mateo 25:32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
32 Ang lahat ng bansa ay titipunin sa harap niya, at pagbubukod-bukurin niya ang mga tao, kung paanong ibinubukod ng pastol ang mga tupa mula sa mga kambing.
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kung paanong ibinubukod ng pastol ang mga tupa mula sa mga kambing: Pamilyar sa mga tagapakinig ni Jesus ang sinabi niyang ito. Noong panahon ng Bibliya, magkakahalo ang kawan na inaalagaan ng mga pastol. (Gen 30:32, 33; 31:38) Karaniwan nang nanginginaing magkakasama ang mga tupa at kambing sa Gitnang Silangan, at madali lang makita ng pastol ang dalawang uri ng hayop kapag gusto niyang pagbukurin ang mga ito. May ilang posibleng dahilan sa pagbubukod-bukod. Puwede itong para sa pagpapakain, paglalahi, paggagatas, pagbabalahibo, pagkatay, o pagtulong sa mga hayop na maggrupo-grupo para hindi ginawin sa gabi. Anuman ang dahilan, tamang-tama ang pagkakalarawan ng ilustrasyon sa magaganap na pagbubukod-bukod “sa pagdating ng Anak ng tao na may malaking awtoridad.”—Mat 25:31.
-