-
Mateo 27:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Bukod diyan, habang nakaupo si Pilato sa luklukan ng paghatol, ipinasabi ng asawa niya: “Huwag kang makialam sa taong iyan na walang kasalanan, dahil labis akong pinahirapan ngayon ng isang panaginip dahil sa kaniya.”
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
luklukan ng paghatol: Kadalasang isang mataas na plataporma na nasa labas at may mga baytang kung saan umuupo ang mga opisyal para sabihin sa mga tao ang hatol nila.
panaginip: Maliwanag na mula sa Diyos. Si Mateo lang ang manunulat ng Ebanghelyo na nag-ulat ng pangyayaring ito.
-