Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 10:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Si Jesus at ang mga alagad niya ay papunta* ngayon sa Jerusalem, at nauuna sa kanila si Jesus. Namangha ang mga alagad, pero ang mga sumusunod sa kanila ay natakot. Muling ibinukod ni Jesus ang 12 apostol at sinabi sa kanila ang mga bagay na ito na mangyayari sa kaniya:+

  • Marcos 10:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Ngayon ay yumayaon na sila sa daan paahon sa Jerusalem, at nauuna sa kanila si Jesus, at namangha sila; ngunit yaong mga sumunod ay nagsimulang matakot. Minsan pa ay ibinukod niya ang labindalawa at pinasimulang sabihin sa kanila ang mga bagay na ito na nakatalagang mangyari sa kaniya:+

  • Marcos
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 10:32

      Jesus—Ang Daan, p. 228

      Ang Bantayan,

      9/1/1989, p. 8

  • Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10:32

      papunta ngayon sa Jerusalem: Lit., “paakyat ngayon sa Jerusalem.” Ang lunsod ay mga 750 m (2,500 ft) ang taas mula sa lebel ng dagat, kaya karaniwan nang sinasabi sa Kasulatan na ang mga mananamba ay “paakyat” sa Jerusalem. (Luc 2:22, tlb.) Manggagaling noon si Jesus at ang mga alagad niya sa Lambak ng Jordan (tingnan ang study note sa Mar 10:1), na ang pinakamababang bahagi ay mga 400 m (1,300 ft) ang baba mula sa lebel ng dagat. Kaya kailangan nilang umakyat nang mga 1,000 m (3,330 ft) para makarating sa Jerusalem.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share