-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
dalawang maliliit na barya: Lit., “dalawang lepton.” Ang salitang Griego na le·ptonʹ ay nangangahulugang isang bagay na maliit at manipis. Ang isang lepton ay katumbas ng 1/128 ng isang denario, at lumilitaw na ito ang pinakamaliit na baryang tanso o bronse na ginagamit sa Israel.—Tingnan sa Glosari, “Lepton,” at Ap. B14.
napakaliit ng halaga: Lit., “katumbas ng isang quadrans.” Ang salitang Griego na ko·dranʹtes (mula sa salitang Latin na quadrans) ay tumutukoy sa tanso o bronseng barya ng mga Romano na ang halaga ay 1/64 ng isang denario. Gumamit si Marcos dito ng perang Romano para ipaliwanag ang halaga ng mga barya na karaniwang ginagamit ng mga Judio.—Tingnan ang Ap. B14.
-