-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
habang siya ay nasa Betania: Ang nakaulat sa Mar 14:3-9 ay maliwanag na naganap paglubog ng araw, sa pasimula ng Nisan 9. Pinapatunayan iyan ng kaparehong ulat sa Juan, kung saan sinabing dumating si Jesus sa Betania “anim na araw bago ang Paskuwa.” (Ju 12:1) Malamang na nakarating siya roon sa pasimula (sa paglubog ng araw) ng Sabbath noong Nisan 8, ang araw bago ang hapunan sa bahay ni Simon.—Ju 12:2-11; tingnan ang Ap. A7 at B12.
Simon na ketongin: Ang Simon na ito ay dito lang binanggit at sa kaparehong ulat sa Mat 26:6. Malamang na isa siya sa mga ketongin na pinagaling ni Jesus.—Tingnan ang study note sa Mat 8:2 at Glosari, “Ketong; Ketongin.”
isang babae: Tingnan ang study note sa Mat 26:7.
boteng alabastro: Tingnan sa Glosari, “Alabastro.”
mabangong langis: Sinabi ni Juan na isang libra ang bigat nito. Espesipikong iniulat nina Marcos at Juan na nagkakahalaga ito nang “mahigit na 300 denario.” (Mar 14:5; Ju 12:3-5) Katumbas iyan ng mga isang-taóng sahod ng karaniwang trabahador. Sinasabing ang mabangong langis na ito ay galing sa mabangong halaman (Nardostachys jatamansi) na matatagpuan sa kabundukan ng Himalaya. Ang nardo ay karaniwan nang hinahaluan, o pinepeke pa nga, pero parehong binanggit nina Marcos at Juan na puro ang langis na ginamit ng babae.—Tingnan sa Glosari, “Nardo.”
ibinuhos ang langis sa ulo ni Jesus: Sa ulat nina Mateo at Marcos, ibinuhos ng babae ang langis sa ulo ni Jesus. (Mat 26:7) Pero sa ulat ni Juan, na isinulat makalipas ang maraming taon, binanggit niyang ibinuhos din ito ng babae sa paa ni Jesus. (Ju 12:3) Sinabi ni Jesus na ang ginawang ito ng babae, na udyok ng pag-ibig, ay para bang paghahanda sa kaniya sa libing.—Tingnan ang study note sa Mar 14:8.
-