-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Sinabi ni Lucas kung bakit niya isinulat ang Ebanghelyo; mensahe niya ito para kay Teofilo (gnj 1 04:13–06:02)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kagalang-galang: Ang salitang Griego para sa “kagalang-galang” (kraʹti·stos) ay opisyal na terminong ginagamit sa pakikipag-usap sa matataas na opisyal. (Gaw 23:26; 24:3; 26:25) Kaya para sa ilang iskolar, ipinapakita nito na may mataas na posisyon si Teofilo bago maging Kristiyano. Iniisip naman ng iba na ang terminong Griego na ito ay nagpapakita lang na iginagalang ang isa o mataas ang tingin sa kaniya. Maliwanag na isang Kristiyano si Teofilo dahil ‘naturuan na siya nang bibigan’ tungkol kay Jesu-Kristo at sa kaniyang ministeryo. (Luc 1:4, tlb.) Ang mga isinulat ni Lucas ay tutulong kay Teofilo para matiyak na totoo ang mga itinuro sa kaniya. Pero naniniwala ang ilan na dating interesado si Teofilo na nagpakumberte. At iniisip naman ng iba na ang pangalang ito, na nangangahulugang “Mahal ng Diyos; Kaibigan ng Diyos,” ay ginamit para tumukoy sa mga Kristiyano sa pangkalahatan. Nang banggitin ni Lucas si Teofilo sa pasimula ng Mga Gawa ng mga Apostol, hindi na ginamit ni Lucas ang ekspresyong “kagalang-galang.”—Gaw 1:1.
lohikal na pagkakasunod-sunod: Ang ekspresyong Griego na ka·the·xesʹ, isinaling “lohikal na pagkakasunod-sunod,” ay hindi laging tumutukoy sa eksaktong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, dahil puwede rin itong tumukoy sa pagkakasunod-sunod ayon sa paksa o lohika. Makikita sa Luc 3:18-21 na ang ulat ni Lucas ay hindi laging ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Kaya dapat suriin ang apat na Ebanghelyo para malaman ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa buhay at ministeryo ni Jesus. Karaniwan nang nag-uulat si Lucas ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, pero lumilitaw na may iba pa siyang ginamit na sistematikong paraan ng pag-uulat.
maingat na saliksikin: Hindi nasaksihan ni Lucas ang mga pangyayaring iniulat niya. Kaya bukod sa paggabay ng banal na espiritu, maliwanag na ibinatay niya ang ulat niya sa sumusunod: (1) Mga rekord na mayroon noon habang isinusulat niya ang talaangkanan ni Jesus. (Luc 3:23-38) (2) Ulat ni Mateo. (3) Personal na interbyu sa mga nakasaksi sa mga pangyayaring iyon (Luc 1:2), gaya ng mga alagad. Posibleng nakausap din niya ang ina ni Jesus na si Maria. Halos 60 porsiyento ng Ebanghelyo ni Lucas ay hindi mababasa sa ibang Ebanghelyo.—Tingnan ang “Introduksiyon sa Lucas.”
-