-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga walong araw pagkatapos niyang sabihin ang mga ito: Ang sabi sa mga ulat nina Mateo at Marcos ay “pagkaraan ng anim na araw.” (Mat 17:1; Mar 9:2) Iba ang bilang na binanggit ni Lucas dahil lumilitaw na isinama niya ang araw kung kailan nangako si Jesus (Luc 9:27) at ang araw kung kailan nagbagong-anyo si Jesus. Ang iniulat nina Mateo at Marcos ay ang buong anim na araw sa pagitan ng dalawang pangyayaring ito. Kapansin-pansin na hindi eksaktong bilang ang binanggit ni Lucas sa pagkalkula niya. Ang sinabi niya ay “mga walong araw.”
para manalangin: Si Lucas lang ang bumanggit ng detalyeng ito may kaugnayan sa pagbabagong-anyo ni Jesus. Binanggit din sa sumunod na talata na “nananalangin” si Jesus. (Luc 9:29) Ang iba pang pagkakataon na nanalangin si Jesus na si Lucas lang ang nag-ulat ay mababasa sa Luc 3:21; 5:16; 6:12; 9:18; 11:1; 23:46.
-