-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
huwag na kayong mag-alala: Ang anyo ng pandiwang Griego na me·ri·mnaʹo na ginamit dito ay nagsasabing ihinto ang isang bagay na kasalukuyan nang nangyayari. Ang terminong Griego para sa “mag-alala” ay puwedeng tumukoy sa pagkabahala ng isang tao na nagiging dahilan para mahati ang isip niya, mawala siya sa pokus, at mawalan ng kagalakan. Ito rin ang salitang Griego na ginamit ni Lucas sa Luc 12:11, 25, 26. Ginamit ni Pablo ang pandiwang ito sa 1Co 7:32-34 at Fil 4:6.—Tingnan ang study note sa Mat 6:25.
-