Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 13:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Gaya ito ng binhi ng mustasa, na kinuha ng isang tao at itinanim sa kaniyang hardin, at tumubo ito at naging isang puno, at ang mga ibon sa langit ay namugad sa mga sanga nito.”+

  • Lucas 13:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Tulad ito ng butil ng mustasa na kinuha ng isang tao at inilagay sa kaniyang hardin, at ito ay tumubo at naging punungkahoy, at ang mga ibon sa langit+ ay sumilong sa mga sanga nito.”+

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 13:19

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1063

      Ang Bantayan,

      7/15/2008, p. 17-19, 21

      Gumising!,

      8/8/1996, p. 22-23

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13:19

      binhi ng mustasa: May iba’t ibang uri ng mustasa na tumutubo sa Israel. Ang black mustard (Brassica nigra) ay ang uri na karaniwang itinatanim sa Israel. Ang maliit na binhi nito ay may diyametro na 1 hanggang 1.6 mm (0.039 hanggang 0.063 in) at may timbang na 1 mg (0.000035 oz), pero tumutubo ito na kasinlaki ng puno. Ang ilang uri ng mustasa ay tumataas nang hanggang 4.5 m (15 ft). Ang binhi ng mustasa, na tinatawag na “pinakamaliit sa lahat ng binhi” sa Mat 13:32 at Mar 4:31, ay ginagamit sa mga sinaunang akdang Judio bilang idyoma para sa napakaliliit na bagay. Kahit na may mas maliliit na binhi na kilala ngayon, lumilitaw na ito ang pinakamaliit na binhing tinitipon at inihahasik ng mga magsasakang Israelita noong panahon ni Jesus.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share