-
Lucas 13:23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 May nagsabi sa kaniya: “Panginoon, kaunti lang ba ang maliligtas?” Sinabi niya sa kanila:
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kaunti lang ba ang maliligtas?: Laging pinagtatalunan ng mga Judiong lider ng relihiyon noon ang bilang ng makakaligtas. Nang maglaon, may mga kulto pa nga na naglalagay ng katumbas na numero para sa bawat letra ng iba’t ibang sagradong kasulatan para malaman ang eksaktong bilang ng makakaligtas. Maraming opinyon at haka-haka tungkol sa paghatol ng Diyos, pero idiniin ni Jesus na pananagutan ng bawat isa ang sarili niyang kaligtasan.
-