-
Lucas 15:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 “O sinong babae na may sampung baryang drakma, kung maiwala niya ang isang baryang drakma, ang hindi magsisindi ng lampara at magwawalis sa kaniyang bahay at maingat na maghahanap hanggang sa masumpungan niya ito?
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10: Gaya ng makikita sa study note sa baryang drakma sa talatang ito, ang isang drakma ay katumbas ng halos isang-araw na suweldo. Pero mahalaga ang nawalang baryang ito dahil malamang na kasama ito sa isang set ng 10 baryang drakma na pamana sa babae o ginagamit na palamuti. Kailangan niyang magsindi ng lampara para mahanap iyon dahil kadalasan nang maliliit ang bintana noon sa mga bahay, kung mayroon man. At karaniwan nang gawa sa luwad ang sahig ng mga bahay noon, kaya nagwalis ang babae para mahanap ang nawawalang barya.
baryang drakma: Ang drakma ay isang Griegong baryang pilak. Noong ministeryo ni Jesus sa lupa, ang drakma ay posibleng tumitimbang nang mga 3.4 g. Nang panahong iyon, ipinanunumbas ng mga Griego ang drakma sa denario, pero opisyal na itinakda ng gobyerno ng Roma na ang halaga ng isang drakma ay tatlong-kapat ng isang denario. Ang mga Judio ay nagbabayad ng dalawang drakma (didrakma) bilang taunang buwis sa templo.—Tingnan ang study note sa Mat 17:24; Glosari, “Drakma”; at Ap. B14.
-