-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sa tabi ni Abraham: Lit., “sa dibdib ni Abraham.” Kapag ang isang indibidwal ay sinabing nasa tabi, o dibdib, ng isa, ipinapakita nito na mayroon silang espesyal at malapít na kaugnayan. (Tingnan ang study note sa Ju 1:18.) Ang idyomang ito ay nanggaling sa nakasanayang puwesto ng mga tao noon habang kumakain, kung saan humihilig sila sa dibdib ng malapít nilang kaibigan.—Ju 13:23-25.
-