-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nasa gitna ninyo: O “kasama ninyo.” Ang panghalip na “ninyo” ay maliwanag na tumutukoy sa mga Pariseo, dahil sila ang kausap ni Jesus. (Luc 17:20; ihambing ang Mat 23:13.) Si Jesus ang kinatawan ng Diyos at pinili niya bilang hari sa kaniyang Kaharian; kaya masasabing ang “Kaharian” ay nasa gitna nila. Bukod diyan, binigyan din siya ng awtoridad para gumawa ng mga himala, na magpapakita ng kapangyarihan niya bilang haring pinili ng Diyos, at para ihanda ang mga posibleng makasama niya bilang tagapamahala sa darating na Kaharian.—Luc 22:29-30.
-