-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kutang may matutulis na tulos: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito lang lumitaw ang salitang Griego na khaʹrax. Tumutukoy ito sa isang “tulos; matulis na patpat o poste na ginagamit na pambakod” at sa “bakod na ginagawa ng mga sundalo gamit ang mga tulos.” Natupad ang sinabi ni Jesus noong 70 C.E., nang ang mga Romano, sa pangunguna ni Tito, ay magtayo ng pader, o bakod, sa palibot ng Jerusalem. Tatlong bagay ang gustong mangyari ni Tito—hindi makatakas ang mga Judio, pasukuin sila, at gutumin sila hanggang sa mapilitan silang sumuko. Para makakuha ng materyal na gagamitin sa paggawa ng bakod, kinalbo ng mga sundalong Romano ang kagubatan malapit sa Jerusalem.
-