27 At pasimula kay Moises+ at sa lahat ng mga Propeta+ ay binigyang-kahulugan niya sa kanila ang mga bagay na may kinalaman sa kaniyang sarili sa lahat ng Kasulatan.
ipinaliwanag: Ang salitang Griego na di·er·me·neuʹo ay puwedeng mangahulugang “isalin sa ibang wika.” (Gaw 9:36; 1Co 12:30) Pero nangangahulugan din ito na “linawin ang kahulugan; ipaliwanag nang mabuti.” Sa talatang ito, tumutukoy ito sa pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng mga hula.