-
Gawa 3:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Dapat manatili ang isang ito sa langit hanggang sa panahong ibalik sa dati ang lahat ng bagay na inihayag ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang banal na mga propeta noon.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
manatili ang isang ito: O “tanggapin ang isang ito.” Lumilitaw na tumutukoy ito sa panahong maghihintay si Jesus sa kanan ng Diyos sa langit hanggang sa magsimula ang panahong ibabalik sa dati ang lahat ng bagay.—Aw 110:1, 2; Luc 21:24; Heb 10:12, 13.
panahong ibalik sa dati ang lahat ng bagay: Ang salitang Griego para sa “ibalik sa dati” (a·po·ka·taʹsta·sis), na isinaling “pagsasauli” sa ilang Bibliya, ay galing sa a·poʹ, na nangangahulugang “ibalik” o “muli,” at ka·thiʹste·mi, na literal na nangangahulugang “ilatag.” Ang anyong pandiwa nito ay isinaling “ibabalik” sa Gaw 1:6. Ginamit ni Josephus ang salitang Griego para sa “ibalik sa dati” nang tukuyin niya ang pagbabalik ng mga Judio mula sa pagkakatapon nila sa Babilonya. Sa mga dokumentong papiro, ang salitang ito ay ginagamit may kaugnayan sa pagkukumpuni ng ilang gusali, pagbabalik ng mga ari-arian sa totoong may-ari nito, at pagbabalanse ng kuwenta. Hindi espesipikong sinasabi sa Gaw 3:21 kung anong mga bagay ang ibabalik sa dati, kaya matutukoy lang kung ano ang mga ito kapag pinag-aralan ang mensahe ng Diyos na ibinigay niya sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta noon. Ang pagbabalik sa dati ng mga bagay-bagay ay isang paulit-ulit na tema sa mga akda ng mga propetang Hebreo. Sa pamamagitan nila, nangako si Jehova ng isang lupain na ibinalik sa dating kalagayan, punô ng mga tao, mabunga, at ligtas mula sa mababangis na hayop at mga kaaway. Gaya ng paraiso ang paglalarawan niya sa lupaing ito! (Isa 65:25; Eze 34:25; 36:35) Higit sa lahat, itatayong muli ang templo at ibabalik ang dalisay na pagsamba. (Isa 2:1-5; Mik 4:1-5) Ang pagbabalik sa dati ng lahat ng bagay ay may espirituwal at literal na katuparan.
-