-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ipinatong ng mga apostol sa mga ito ang mga kamay nila: Sa Hebreong Kasulatan, iba-iba ang ibig sabihin ng pagpapatong ng kamay, at ginagawa ito sa tao o sa hayop. (Gen 48:14; Lev 16:21; 24:14) Kapag ginagawa ito sa isang tao, karaniwan nang nangangahulugan itong kinikilala siya o binibigyan ng isang espesyal na atas. (Bil 8:10) Halimbawa, ipinatong ni Moises ang kamay niya kay Josue para ipakitang ito ang hahalili sa kaniya. Kaya “naging marunong” si Josue, at mahusay niyang napangasiwaan ang Israel. (Deu 34:9) Dito sa Gaw 6:6, ipinatong ng mga apostol ang kamay nila sa mga lalaking binigyan nila ng awtoridad. Pero ginawa nila ito pagkapanalangin, na nagpapakitang nagpapagabay sila sa Diyos. Pagkatapos, ipinatong ng mga miyembro ng isang lupon ng matatanda ang kamay nila kay Timoteo para bigyan siya ng isang espesyal na atas. (1Ti 4:14) May awtoridad din si Timoteo na atasan ang iba sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay niya sa kanila, pero gagawin niya lang ito matapos na pag-isipang mabuti kung nakakaabot sila sa kuwalipikasyon.—1Ti 5:22.
-