Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 10:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Tumutuloy siya kina* Simon, na gumagawa ng katad* at nasa tabing-dagat ang bahay.”

  • Gawa 10:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Ang taong ito ay nakikipanuluyan sa isang Simon, isang mangungulti, na may bahay sa tabi ng dagat.”+

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 10:6

      Lubusang Magpatotoo, p. 69

      Ang Bantayan,

      6/1/2011, p. 18

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10:6

      Simon, na gumagawa ng katad: Ang isa na gumagawa ng katad ay gumagamit ng tinimplang apog para alisin ang anumang balahibo, laman, o taba na naiwan sa balat ng hayop. Pagkatapos, papahiran niya ito ng matapang na likido para magamit sa paggawa ng mga materyales na katad. Mabaho ang prosesong ito at nangangailangan ng maraming tubig, at malamang na ito ang dahilan kaya nakatira si Simon sa tabing-dagat, posibleng sa baybayin ng Jope. Ayon sa Kautusang Mosaiko, ang taong humahawak ng bangkay ng hayop ay marumi sa seremonyal na paraan. (Lev 5:2; 11:39) Kaya minamaliit ng maraming Judio ang mga gumagawa ng katad at nag-aalangan silang tumira kasama ng mga ito. Sinabi pa nga ng Talmud na ang mga ito ay mas mababa pa kaysa sa mga tagakolekta ng dumi ng hayop. Pero hindi nagpakita ng diskriminasyon si Pedro. Nakituloy pa rin siya sa bahay ni Simon. Ang pagiging bukás ng isip ni Pedro ay nakatulong para maging handa siya sa sumunod niyang atas—ang pagdalaw sa isang Gentil sa bahay nito. Sinasabi ng ilang iskolar na ang salitang Griego para sa “gumagawa ng katad” (byr·seusʹ) ay apelyido ni Simon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share