-
Gawa 13:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Kaya pumunta sa Seleucia ang mga lalaking ito, na isinugo ng banal na espiritu, at mula roon ay naglayag sila papuntang Ciprus.
-
-
Gawa 13:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Alinsunod dito ang mga lalaking ito, na isinugo ng banal na espiritu, ay bumaba sa Seleucia, at mula roon ay naglayag sila patungong Ciprus.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Seleucia: Isang napapaderang daungang lunsod sa Mediteraneo na naging kapaki-pakinabang sa Antioquia ng Sirya at matatagpuan mga 20 km (12 mi) sa timog-kanluran ng lunsod na iyon. Ang dalawang lugar na ito ay pinagdurugtong ng kalsada at ng Ilog Orontes, na umaagos sa Antioquia papunta sa Dagat Mediteraneo, na malapit lang sa timog ng Seleucia. Si Seleucus I (Nicator), isa sa mga heneral ni Alejandrong Dakila, ang nagtatag ng lunsod na ito, at ipinangalan niya ito sa sarili niya. Si Pablo, kasama si Bernabe, ay naglayag mula sa Seleucia sa pasimula ng kaniyang unang paglalakbay bilang misyonero noong mga 47 C.E. Ang Seleucia ay nasa hilaga lang ng Süveydiye, o Samandag, ng Turkey sa ngayon. Dahil sa buhanging dala ng Orontes, napuno ng putik ang daungan ng Seleucia.—Tingnan ang Ap. B13.
naglayag sila papuntang Ciprus: Mga 200 km (125 mi) na paglalakbay. Kung maganda ang panahon, ang isang barko noong unang siglo ay nakakapaglayag nang mga 150 km (93 mi) sa isang araw. Pero kung masama ang panahon, nagtatagal ang paglalayag. Sa Ciprus nakatira si Bernabe.—Tingnan ang Ap. B13.
-