Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 17:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Dahil sa kaniya, tayo ay may buhay at kumikilos at umiiral, gaya nga ng sinabi ng ilan sa mga makata ninyo, ‘Dahil tayo rin ay mga anak* niya.’

  • Gawa 17:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Sapagkat sa pamamagitan niya, tayo ay may buhay at kumikilos at umiiral,+ gaya nga ng sinabi ng ilan sa mga makata+ sa inyo, ‘Sapagkat tayo rin ay kaniyang mga supling.’

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 17:28

      Lubusang Magpatotoo, p. 145-146

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 38

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 245

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 730-731

      Gumising!,

      3/2011, p. 18

      Ang Bantayan,

      7/15/2010, p. 30-31

      6/15/2004, p. 14

      2/15/1989, p. 9-10

      3/1/1986, p. 30

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17:28

      tayo ay may buhay at kumikilos at umiiral: Sinasabi ng ilan na makikita sa pananalitang ito ang istilong Griego na tinatawag na tricolon, na gumagamit ng tatlong magkakaugnay na salita para ipahayag ang iisang ideya. Ginamit ng mga awtor na sina Plato, Sophocles, at Aristotle ang istilong ito. Iniuugnay naman ito ng ilan sa isang tula ni Epimenides, isang makatang Cretense noong ikaanim na siglo B.C.E.

      ilan sa mga makata ninyo: Lumilitaw na ang ekspresyong “dahil tayo rin ay mga anak niya” ay sinipi ni Pablo mula sa tulang Phaenomena ng makatang Estoico na si Aratus, at may kahawig din itong pananalita sa iba pang akdang Griego, gaya ng Hymn to Zeus ng manunulat na Estoico na si Cleanthes. Posibleng isinama ni Pablo sa mga katibayang iniharap niya ang pagsipi sa ilang makatang Griego dahil iyan ang inaasahan noon sa isang edukadong tagapagsalita.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share