-
Gawa 18:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 At dahil gusto niyang pumunta sa Acaya, sinulatan ng mga kapatid ang mga alagad at sinabing malugod nila siyang tanggapin. Noong naroon na siya, malaki ang naitulong niya sa mga naging mananampalataya dahil sa walang-kapantay na kabaitan ng Diyos;
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ng Diyos: Kahit hindi lumitaw ang pananalitang ito sa tekstong Griego, maraming iskolar ang naniniwala na tumutukoy talaga ito sa walang-kapantay na kabaitan ng Diyos. Sa aklat ng Gawa, ang ekspresyong “walang-kapantay na kabaitan” ay pinakamadalas na iniuugnay sa “Diyos.”—Gaw 11:23; 13:43; 14:26; 20:24, 32.
-