Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 23:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At dahil alam ni Pablo na ang kalahati ng grupo ay Saduceo at ang kalahati ay Pariseo, sinabi niya sa Sanedrin: “Mga kapatid, ako ay isang Pariseo,+ isang anak ng mga Pariseo. Hinahatulan ako dahil naniniwala ako sa pag-asang mabubuhay-muli ang mga patay.”

  • Gawa 23:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At nang mapansin ni Pablo na ang isang bahagi ay mga Saduceo+ ngunit ang isa pa ay mga Pariseo, sumigaw siya sa Sanedrin: “Mga lalaki, mga kapatid, ako ay isang Pariseo,+ isang anak ng mga Pariseo. Tungkol sa pag-asa ng pagkabuhay-muli+ ng mga patay ay hinahatulan ako.”+

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 23:6

      Lubusang Magpatotoo, p. 187-188

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 514-515

      Ang Bantayan,

      4/15/2005, p. 31

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23:6

      ako ay isang Pariseo: Kilala si Pablo ng ilan sa mga tagapakinig niya. (Gaw 22:5) Nang tawagin ni Pablo ang kaniyang sarili na anak ng mga Pariseo, alam nilang nagsasabi siya ng totoo. Tiyak na naintindihan ng mga Pariseo sa Sanedrin na kinikilala niyang naging Pariseo rin siya noon tulad nila kahit masigasig na siyang Kristiyano ngayon. Pero sa kontekstong ito, lumilitaw na tinawag niya ang sarili niya na isang Pariseo dahil naniniwala rin siya sa pagkabuhay-muli, di-gaya ng mga Saduceo. Dahil sa ginawa niya, nagkaroon sila ng puntong mapagkakasunduan ng mga Pariseong naroon. Malamang na iniisip niya na kung ibabangon niya ang kontrobersiyal na isyung iyon, makikisimpatiya sa kaniya ang ilang miyembro ng Sanedrin, at ganoon nga ang nangyari. (Gaw 23:7-9) Ang sinabi ni Pablo sa Gaw 23:6 ay kaayon din ng paglalarawan niya sa sarili niya noong ipagtanggol niya ang kaniyang sarili sa harap ni Haring Agripa. (Gaw 26:5) At nang sumulat siya sa mga Kristiyano sa Filipos noong nasa Roma siya, binanggit ulit niya na siya ay isang Pariseo. (Fil 3:5) Kapansin-pansin din kung paano inilarawan sa Gaw 15:5 ang iba pang Kristiyano na dating mga Pariseo.—Tingnan ang study note sa Gaw 15:5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share