-
Gawa 27:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Doon, ang opisyal ng hukbo ay nakakita ng barko mula sa Alejandria na papuntang Italya, at pinasakay niya kami roon.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
barko: Barkong kinakargahan ng butil. (Gaw 27:37, 38) Nang panahong iyon, Ehipto ang pangunahing imbakan ng butil ng Roma. Ang mga barko ng mga Ehipsiyo na may kargang butil ay dumadaong sa Mira, isang malaking lunsod malapit sa baybayin sa timog-kanluran ng Asia Minor. Naghanap ng ganoong barko ang opisyal ng hukbo na si Julio, at pinasakay niya rito ang mga sundalo at bilanggo. Siguradong mas malaki ang barkong ito kaysa sa sinakyan nila sa simula ng kanilang paglalakbay. (Gaw 27:1-3) Marami itong kargang trigo, at may sakay itong 276 katao—mga tripulante, sundalo, bilanggo, at malamang na iba pa na papunta rin ng Roma. Ang Mira ay nasa hilaga ng Alejandria, at posibleng regular itong dinadaanan ng mga barko mula sa lunsod na iyon ng Ehipto. Posible ring dahil sa pasalungat na hangin (Gaw 27:4, 7), napilitan ang barkong ito na mag-iba ng ruta at dumaong muna sa Mira.—Tingnan ang Ap. B13.
-