-
Gawa 27:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 Nang 14 na gabi na kami sa dagat at hinahampas-hampas kami sa Dagat ng Adria, inisip ng mga mandaragat na malapit na sila sa lupa noong hatinggabi na.
-
-
Gawa 27:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 At nang sumapit ang ikalabing-apat na gabi at ipinapadpad kami sa magkabi-kabila sa dagat ng Adria, nang hatinggabi na ay nagsimulang mag-akala ang mga magdaragat na nalalapit na sila sa isang lupain.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Dagat ng Adria: Noong panahon ni Pablo, ang terminong ito ay tumutukoy sa katubigan na mas malaki kaysa sa kasalukuyang Dagat Adriatico. Sinabi ng Griegong heograpo na si Strabo na ang pangalang ito ay mula sa lunsod ng Atria, na nasa bukana ng Ilog Po at sa tinatawag ngayong Gulpo ng Venice. (Geography, 5, I, 8) Ang lunsod ng Adria ngayon sa Italya ay malayo-layo sa baybayin. Lumilitaw na Adria ang itinawag sa mga katubigan sa palibot ng sinaunang lunsod na ito, at nang maglaon, ito na rin ang itinawag pati sa buong Dagat Adriatico, Dagat Ionian, at sa mga katubigan ng Mediteraneo sa silangan ng Sicilia (at Malta) at kanluran ng Creta.—Tingnan ang Ap. B13.
-