-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kung nagugutom ang kaaway mo: Sumipi si Pablo mula sa Kaw 25:21, 22 para ipagpatuloy ang ipinapaliwanag niya.
makapagtutumpok ka ng baga sa ulo niya: Ang ekspresyong ito ay kinuha ni Pablo sa Kaw 25:21, 22. Lumilitaw na ang ilustrasyon sa kawikaang iyon, pati na ang aral na gustong ituro ni Pablo, ay kaugnay ng sinaunang paraan ng pagtunaw ng metal mula sa inambato. Pinapainitan ang inambato sa ibabaw ng mga baga, at nagtutumpok din ng mga baga sa ibabaw nito. Sa prosesong ito, matutunaw ang inambato at mahihiwalay ang purong metal mula sa anumang dumi. Sa katulad na paraan, ang pagpapakita ng kabaitan kahit sa masasama ay puwedeng makapagpalambot sa puso nila at makapagpalabas ng mabuti sa kanila. Maraming beses na makikita sa Kasulatan ang payo na gumawa ng mabuti sa mga kaaway. (Exo 23:4, 5; Mat 5:44, 45; Luc 6:27; Ro 12:14) Ang ganitong unawa ay sinusuportahan din ng konteksto ng kawikaang sinipi ni Pablo, na nagsasabing “gagantimpalaan . . . ni Jehova” ang gumagawa nito. (Kaw 25:22; tlb.) Iba-iba ang opinyon ng mga iskolar sa kahulugan nito. Pero kung titingnan ang konteksto ng Roma, maliwanag na hindi sinasabi dito ni Pablo na parusahan o hiyain ang kaaway.
-